^

PSN Palaro

Hatton masasaktan kay Pacquiao

-

MANILA, Philippines - Tiyak na masasaktan si Briton world light welterweight champion Ricky Hatton.

 Sa ulat ng Philboxing kahapon, pinabagsak ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang kanyang bagong sparring partner na si Art Hovhannesyan sa second round ng kanilang sparring session sa Wildcard Boxing Gym sa Hollywood, California.

Matapos ito, tuluyan nang natigil ang nasabing sesyon nang maputukan sa taas ng kilay ang Armenian fighter na si Hovhannesyan mula sa isang matulis na left hook ni Pacquiao, nakatakdang hamunin si Hatton sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Tangan ng lightweight na si Hovhannesyan, nakabase ngayon sa Glendale, California, ang 7-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang dalawang knockouts.

Maliban kay Hovhannesyan, kinuhang muli ni American trainer Freddie Roach si Briton lightweight sensation Amir Khan bilang sparmate ng 30-anyos na si Pacquiao. 

“Amir competes with Manny when they run and spar together,” wika ni Roach sa 22-anyos na si Khan. “When they spar, it’s tit for tat; they work well together. It’s like a cock fight, so intense. Amir steps up because he knows this is a different level.”

Si Khan, bronze medalist sa 2004 Athens Olympic Games sa Greece, ay naging isa sa mga sparmates ni Pacquiao sa paghahanda nito sa kanilang non-title welterweight fight ni Oscar Dela Hoya noong Disyembre 6 sa MGM Grand.

Nagamit rin ni Khan ang kanyang mga natutuhan mula sa kanilang sparring sessions ni Pacquiao, hangad ang kanyang pang limang world boxing crown, sa pag-iskor ng isang ninth-round technical knockout kay Mexican Marco Antonio Barrera noong Linggo.

“They’ve formed a good friendship. Manny called him right after the (Barrera) fight. I think just being around Manny Pacquiao, a guy like that, has shown Amir what it takes to be a world champion,” ani Roach kay Khan.

Itataya ng 30-anyos na si Hatton ang kanyang hawak na International Boxing Organization (IBO) light welterweight belt at ang Ring Magazine title laban kay Pacquiao.

Samantala, pormal na ipinahayag ni Pacquiao na ang ABS-CBN channel 2 ang opisyal na magkokober ng kanyang laban kontra kay Hatton.

Ayon kay Pacquiao, siya mismo ang lumapit sa pamunuan ng ABS-CBN para sa pagsasa-ere ng kanyang laban na ito kay Hatton.

Sa kaugnay na balita, babalikan ng Solar Sports si Pacquiao dahil ayon sa kanila, may kontrata pa ang kanilang kompanya at si Pacquiao sa coverage ng laban.

“The contract is still binding, at hindi pwedeng balewalain ni Pacquiao at ng ABS-CBN, sagot ni Atty. Enrique dela Cruz, legal counsel ng Solar Sports. (Russell Cadayona)

AMIR KHAN

ART HOVHANNESYAN

ATHENS OLYMPIC GAMES

FREDDIE ROACH

GRAND GARDEN ARENA

HATTON

HOVHANNESYAN

PACQUIAO

SOLAR SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with