Young pinasalamatan ni Cone
MANILA, Philippines - Imbes na kainisan sa kanyang mahinang paglalaro, pinasalamatan pa ni Alaska head coach Tim Cone si balik-import Galen Young.
Sinabi ni Cone na pinagbigyan lamang siya ng 6-foot-6 na si Young sa unang tatlong laro ng mga Aces sa kasalukuyang 2009 PBA Fiesta Conference sa kabila ng halos isang buwan nitong pamamahinga.
“I do wanna thank Galen Young. It’s a little unfair for Galen because he was off almost a month and a half and he wasn’t playing. He was coaching,” sabi ni Cone sa dating reinforcement ng San Miguel.
Sa kanyang pamamahinga, sinabi ni Cone na isang coaching job ang tinanggap ng 34-anyos na si Young sa isang koponan sa Continental Basketball Association (CBA).
“He’s gonna be a coach of a CBA team next year. So his mindset is really now into coaching and not so much into playing and so he wasn’t much in great shape when he came,” sabi ni Cone kay Young. “I just wanna thank him from the bottom of my heart for coming here and doing us a favor.”
Ang produkto ng University of North Carolina (Charlotte) ay tinanghal na 48th overall pick ng Milwaukee Bucks sa 1999 NBA Draft.
Kabilang sa mga bigating pangalan na nakasabay ni Young, iginiya ang San Miguel sa semifinals ng 2007 PBA Fiesta Conference na pinagharian ng Alaska sa pagbibida ni Rosell Ellis, sa 1999 NBA Draft ay sina Elton Brand, Steve Francis, Lamar Odom, Richard Hamilton, Shawn Marion, Ron Artest at Jason Terry.
Bago pagbigyan si Cone at ang mga Aces, nanggaling muna si Young sa paglalaro sa CBA para sa tropa ng Eastern Kentucky.
Makaraang kumampanya para sa Beermen noong 2007, bumalik si Young sa CBA kung saan niya pinangunahan ang Yakima Sun Kings para sa korona kasabay ng pagkilala sa kanya bilang CBA Player of the Year. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending