25 boxing teams handa na para sa Smart/ABAP Area boxingfest

MANILA, Philippines - Mahigit 25 boxing teams ang kakatawan sa iba’t ibang probinsiya, lungsod at munisipalidad sa Visayas ang naghahanda na para sa 1st Smart/ABAP Area Boxing Tournament sa March 22-27 sa Ormoc City at Kananga town sa Leyte.

Idedepensa naman ng Bacolod ang kanilang titulo, ayon kay Rep. Monico Puentevella, na naghgost sa mtagumpay na National Amateur Boxing Championships nang kaagahan ng taon.

Gayunpaman, pinag-iingat ni Gov. Raul Daza ng Northern Samar at ABAP Region 8 president ang lahat dahil sa teritoryo nila gaganapin ang torneo at huwag masyadong magkumpiyansa dahil hindi sila nakasisiguro sa mga boksingero mula sa Samar, Leyte at Biliran provinces.

 “Now the homecourt advantage is ours” ani Daza.

Ang naturang torneo ay isa lamang sa maraming nakalinya sa bagong liderato ng ABAP sa ilalim ni chairman Manny v. Pangilinan at president Ricky Vargas. Ito ay bukas samga batang lalaki na may edad 11-12 sa kids at under-19 sa yout category.

Ang Leyte competition, ayon kay Vargas ay magsisilbing oportunidad sa mga umaasang batang boksingero na matuklasan ang kanilang kakayahan at umaasang magig bahagi ng nationalpool.

Ang host sa Visayas tournament ay magkapatid na Eric Codilla, mayor ng Ormoc at Elmer Codilla, mayor naman ng Kananga town.

Show comments