MANILA, Philippines - Humakot ng 4 golds ang Rizal Province male at female jins sa senior division (advance at novice) ng Smart/Petron Manila Open Taekwondo Championships sa Rizal Memorial Coliseum.
Nagwagi sina fin/fly Sanya Amarillo at bantam Jessica Ramos sa advance level habang humatak naman ng panalo sina fly George Barcelona at bantam Jordan Pamayas sa novice division upang banderahan ang matagumpay na kampanya ng Rizalians sa torneong suportado ng Philippine Sports Commission, Smart, PLDT, Petron, Milo at adidas.
Tinalo ni Amarillo ang kakamping si Michelle Monterez, nanaig si Ramos kay Sharon Domingo, dinaig ni Barcelona si Charlemagne Nagal ng CEU at pinayuko ni Pamayas ang kakamping si Daniel Tan sa finals.
Humakot naman ang Pamantasan ng Muntinlupa ng tatlong ginto mula kina fin Joeriz Montiero, fly Jocel de Guzman at lightwelter Marvin Pababero, lahat sa novice level.
Ang iba pang senior gold medalist ay sina feather Karen Boldo ng Las Piñas, at feather Jamuna Pasili ng UE sa women’s advance.
Sa women’s novice naman sina Sarah Jane Penosa, Noemi Agbuya, Pacita Capistrano, Marites Cordova, Sheena Ann Lacopia at Honeylou Vilchez.