^

PSN Palaro

Wade tumirada para sa panalo ng Tropang Texters

-

MANILA, Philippines - Nagpasabog ng season-high 48 puntos si Tiras Wade at umahon ang Talk N Text mula sa balon sa ikatlong quarter upang hatakin ang 117-114 panalo laban sa Burger King sa Motolite PBA Fiesta Conference sa Muntinlupa Sports Center kagabi.

Magiting na lumaban si Wade at ang Tropang Texters mula sa 22-puntos na pagkakabaon sa ikatlong quarter upang daigin ang Titans sa mahigpitang panalo na ikalawang sunod nila matapos ang 0-2 panimula sa season-ending tourney.

Sa kabilang dako, nalasap naman ng Titans ang kanilang ikalawang kabiguan matapos naman ang 2-0 panimula.

Naglaro sa ilalim ng huling pamamahala ni Mikee Romero at ng kanyang grupo, malakas ang naging entrada ng Titans na hindi nasustina ang malaking bentahe sa pagtungo sa Muntinlupa ng ‘PBA Phoenix fuel on Tour’.

Halos solong binaligtad ni Wade ang laban para sa Tropang Texters sa kanyang kinanang 48 puntos, na tumabon sa 42 point debut ni Rod Nealy ng Barangay Ginebra kontra sa Coca-Cola noong Marso 4.

Kumana ng lima sa 7 tres ang dating Louisian-La Fayette U hitman para sa kabuuang 23 puntos na nagpasiklab sa rally ng Tropang Texters sa ikatlong quarter.

Kasama sina Jason Castro, Jared Dillinger, Jimmy Alapag at MacMac Cardona, napanatili ng Texters ang kanilang composure tungo sa pagkumpleto ng pinaka-malaking come-from-behind panalo sa torneo.

Bunga nito, nagtabla ang Tropang Texters at Titans sa ikalimang posisyon sa likuran ng San Miguel Beer (3-0), Sta. Lucia (3-1), Purefoods (2-1) at Rain or Shine (2-1).

“It’s all about heart,” ani Wade. “Our shots just won’t fall early on but we didn’t give up.”

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

FIESTA CONFERENCE

JARED DILLINGER

JASON CASTRO

JIMMY ALAPAG

LOUISIAN-LA FAYETTE U

MIKEE ROMERO

MUNTINLUPA SPORTS CENTER

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with