4 RP records winasak ni Totten
MANILA, Philippines - Apat na Philippine records ang binura ni Fil-Am swimmer Erica Totten sa paglangoy niya sa 2009 Austin Grand Prix sa Amerika.
Winasak ng 20 anyos na siTotten ang sarili niyang record sa 400m individual medley at 400m at 800m freestyle pati na rin ang 16 taong marka ni Akiko Thomson sa 200m IM.
Ang pinaka-impresibong nilangoy ni Totten ay sa 800m kung saan tinabunan niya ang 9 minute, 10.26 second na markang inilista ni Janet Evans may dalawang taon na ang nakalilipas ng higit sa 10 segundo (8:59.19).
Binura din niya ang record sa 400m IM na 5:05.43 na itinala sa 2005 Manila SEA Games at 400M freestyle sa oras na 4:23.68 noong 2008 Ohio Grand Prix na 5:01.43 at 4:20.90.
Tinapos ni Totten ito sa oras na 2:23.59 sa 200m IM upang sirain ang 2:24.19 na oras ni Thomson, na inirehistro sa 1993 Singapore SEA Games.
“We are pleased to announce that national swimmer, Erica Totten, has reset four RP records in the past week,” wika ni swimming association chief Mark Joseph, sa email na ipinadala.
Si Totten ay miyembro ng Philippine team na lumahok sa 2005 at 2007 edition ng SEAG at 2006 Doha Asian Games at kasalukuyang nasa ilalim ng scholarship sa University of Arkansas sa pamamahala ni coach Jeff Poppel.
- Latest
- Trending