^

PSN Palaro

Nietes gusto nang umakyat sa mataas na timbang

-

MANILA, Philippines - Kung magtatagumpay sa kanyang huling tatlong title defense ay plano na ni Filipino world minimumweight champion Donnie “Ahas” Nietes na umakyat sa light flyweight division.

 Sinabi kahapon ng 26-anyos na si Nietes na plano na niyang umakyat ng timbang sa hangaring makasagupa ang ilang bigating world champions kagaya ni International Boxing Federation (IBF) king Ulises “Archie” Solis ng Mexico. 

“Siguro two to three na title defense bago ako umakyat sa 108 pounds,” ani Nietes, ang kasalukuyang World Boxing Organiziation (WBO) minimumweight titlist, sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa U.N. Avenue, Manila. “Gusto ko kasing makalaban ‘yung mga malalaking pangalan para makilala rin ako sa buong mundo.”

 Nanggaling ang tubong Murcia, Bacolod City sa isang panalo kay Mexican challenger Erik Ramirez via unanimous decision para sa kanyang ikalawang sunod na title defense noong Pebrero 28 sa Mexico.

Isang split decision ang itinakas ni Nietes laban kay Pornsawan Kratingdaenggym para sa bakanteng WBO minimumweight crown noong Setyembre 30 ng 2007 sa Cebu City kasunod ang matagumpay na pagtatanggol rito kay Nicaraguan challenger Eddy Castro via second-round TKO noong Agosto 30 sa Cebu City.

 Kasalukuyang nasa negotiation table ang usapan hinggil sa pagdedepensa ni Nietes laban kay Mexican challenger Manuel Vargas.

 “Under negotiation pa ‘yung kay Manuel Vargas, kaya marami pang posibleng mangyari mula sa araw na ito,” sabi ni Filipino trainer Edmond Villamor sa ikatlong sunod na title defense ni Nietes kay Vargas.

 Ibinabandera ni Nietes ang kanyang 24-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KOs, samantalang tangan naman ng 27-anyos na si Vargas ang 26-3-1 (11 KOs) slate. (Russell Cadayona)

BACOLOD CITY

CEBU CITY

EDDY CASTRO

EDMOND VILLAMOR

ERIK RAMIREZ

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

MANUEL VARGAS

NIETES

PORNSAWAN KRATINGDAENGGYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with