AIBA, ABAP officials nagtagpo

TAIPEI -- Tumanggap ng malaking tulong ang kampanya ng bansa para sa kauna-unahang gintong medalya sa 2012 London Olympics mula sa pinuno ng International Amateur Boxing Association (AIBA).

Siniguro kamakailan ni Dr. ChingKuo Wu sa bumisitang Philippine delegation na pinamunuan ni Amateur Boxing Association of the Philippines president Ricky Vargas na nais ng AIBA na matanggal ang graft and corruption sa kanilang grupo na bilang patunay ay ang pagsuspinde sa kanilang secretary-general, dalawang vice-presidents at limang executive committee members upang malinis ang organisasyon.

Kasama ni Vargas sina ABAP secretary-general Patrick Gregorio at executive director Ed Picson.

Ipinangako ni Wu, na tinalo ang long-reigning na si Anwar Chowdry sa AIBA elections, na sisikapin nilang maibalik ang magandang imahe ng nadungisang AIBA.

“My goal is to make AIBA free of suspicion, clean, honest and transparent,” ani Wu. “If you go against what is right, you pay the price.”

Malugod na tinanggap ni Wu ang plano at programa ng ABAP na kanilang ipinakita sa isang audio-visual at makikipagtulungan sa ABAP.

Ipinabatid naman ni Vargas kay Wu ang kanilang pagbibid sa pagtatanghal ng isa sa dalawang Olympic qualifying tournaments sa Asya sa 2012. Ang Kazakhstan at Thailand ang naghost ng dalawang Asian Qualifiers para sa Beijing Games noong nakaraang taon.

Idinagdag din ni Vargas ang psobilidad na makakuha ang ABAP ng prangkisa sa world Series of Boxing sa Setyembre sa susunod na taon at bidding para sa 3rd AIBA Boxing Academy kasunod ng Quebec at Moscow.

Show comments