^

PSN Palaro

FEU, Letran, San Beda may tiket na sa Boracay

-

MANILA, Philippines - Mula sa kani-kanilang krusyal na panalo, nagsibulsa ng tiket patungong Boracay ang Luzon back-to-back champions Far Eastern University, NCAA titlist Colegio de San Juan de Letran at San Beda College.

Humataw ng magkakahiwalay na tagumpay ang Tamaraws, Knights at Red Lions sa paghahamon sa nagdedepensang Foundation University sa men’s division ng Luzon eliminations para sa 2009 Nestea Fit Beach Volley National Circuit kahapon sa SM Mall of Asia Bay Area.

Tinalo nina Josh Alcarde at Jan Berlin Paglinawan ng FEU sina Leonel Evan Laraya at James Lorca ng San Beda, 21-12, 21-15, habang binigo nina Erickson Ramos at Eden Canlas ng Letran sina Gabriel Usman at Marion Roa ng Philippine Christian University, 19-21, 21-17, 15-13.

 Ito ang pang anim na sunod na pagtungo ng Tamaraws sa national finals kumpara sa kauna-unahan naman ng Knights.

 Sa kanilang playoff, iginupo naman nina Laraya at Lorca sina Usman at Roa, 21-16, 11-21, 15-10, para angkinin ang ikatlo at huling tiket patungong Boracay.

Sa women’s side, ginapi naman nina FEU Lady Tamaraws Magi Tolentino at Anna Abanto sina PCU Lady Dolphins Ma. Chona Cabaral at Dy-Ann Grace Bisente, 21-17, 21-15, at pinayukod nina Adamson Lady Falcons Angela Benting at Lizlee Ann Gata sina Cindy Benitez at Michelle Remo ng University of the Cordilleras, 20-22, 21-17, 15-12, para makabiyahe sa Boracay. (RCadayona)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS ANGELA BENTING

ANNA ABANTO

BORACAY

CHONA CABARAL

CINDY BENITEZ

DY-ANN GRACE BISENTE

EDEN CANLAS

ERICKSON RAMOS

FAR EASTERN UNIVERSITY

FOUNDATION UNIVERSITY

GABRIEL USMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with