Rain Or Shine wagi sa Barako Bull
MANILA, Philippines - Nagtulong-tulong sina balik-import Charles Clark III, Jay-R Reyes, Ryan Araña at Gabe Norwood upang maitala ng Rain Or Shine ang kanilang 91-83 panalo laban sa Barako Bull sa ikalawang araw ng aksiyon sa Motolite PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Dahil sa panalong ito, humanay ang Elasto Painters sa Burger King Titans (dating Air21) sa 1-0 record sa pagbubukas ng season-ending conference.
“I think it was hardwork and team work that brought us to this win,” sabi ni Garcia, nakakolekta ng team-high 23 marka, 13 rebounds at 2 assists kay Clark, kumpara sa game-high 41 puntos, 4 boards, 1 assist, 1 steal at 1 shotblock sa baguhang si Scooter McFadgon ng Energy Boosters.
Bagamat agad na umalagwa ang Barako Bull na iginigiya ng bagong coach na si Leo Isaac sa 25-18 iskor, mabilis na bumangon ang Rain Or Shine at agad maagaw ang trangko, 46-34 sa ikalawang quarter.
Nakalayo pa ng hanggang 22 puntos ang Elasto Painters ni coach Caloy Garcia, 75-63, sa huling tira ni Reyes may 46.7 segundo ang nalalabi sa ikatlong quarter.
Ngunit hindi sumuko ang Energy Boosters at sa pagtutulungan nina McFadgon, Alex Crisano, Warren Ybañez at Gabby Espinas, nakalapit sila sa 64-77 mula sa 9-2 run may 8:46 pa ang nasa orasan ng final canto.
“Concerning the Barako Bull, they are a very strong team but we also just came in more adjusted to the new calls sa hand checking,” ani Garcia.
Muling nakalayo ang Rain Or Shine sa magkasunod na three points nina Norwood at Rob Wainwright, 83-66 may 5:35 ang nalalabi.
Hindi nakalaro ang Fil-Puerto Rican na si Solomon Mercado para sa Elasto Painter. Si Solomon ay pinatawan ng one-game suspension sa nakaraang quarterfinal game kontra sa Sta. Lucia Realty sa Philippine Cup.
Rain or Shine 91 - Clark 23, Reyes 18, Araña 16, Norwood 15, Wainwright 9, Dulay 6, Tang 2, Isip 2, Andaya 0, Ibañes 0, Laure 0.
Barako Bull 83 - McFadgon 41, Sharma 16, Juntilla 5, Chan 4, Espinas 4, Crisano 4, Ybanes 3, Rodriguez 2, Holper 2, Najorda 2, Hubalde 0, Hrabak 0, Arigo 0.
Quarterscores: 18-25, 46-34, 75-53, 91-83.
- Latest
- Trending