^

PSN Palaro

Nietes hindi natinag sa Mexico; kampeon pa rin

-

MANILA, Philippines - Maski ang kanyang ‘hometown disadvantage’ ay hindi nakaapekto kay Filipino world minimumweight champion Donnie “Ahas” Nietes para mapanatiling suot ang kanyang korona.

Sa bisa ng isang unanimous decision, tinalo ni Nietes si Mexican challenger Eric Ramirez upang patuloy na bitbitin ang kanyang World Boxing Organization (WBO) belt kahapon sa Auditorio Guelaguetza sa Oaxaca, Mexico.

Ito ang ikalawang sunod na title defense ng 26-anyos na tubong Murcia, Bacolod City ng kanyang WBO minimum-weight crown na kanyang napanalunan kay Pornsawan Kratingdaenggym ng Thailand via unanimous decision noong Setyembre 30 ng 2007 sa Waterfront Hotel sa Cebu City.

Nakakolekta si Nietes ng 115-109, 116-108 at 113-111 puntos mula sa tatlong hurado para iangat ang kanyang 24-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 14KOs kumpara sa 25-6-1 (19 KOs) slate ngayon ng 26-anyos ring si Ramirez.

“Nu’ng natantiya kong kaya ko ‘yung suntok niya, talagang hindi ko na siya tinigilan,” sambit ni Nietes sa pagpapabagsak kay Ramirez sa first, fifth, ninth at twelveth-round mula sa kanyang right straight.

 Pansamantalang natulala si Nietes nang tamaan ni Ramirez sa round 12 bago kumonekta muli ng isang right straight ang Filipino titlist para sa pang apat na knockdown ng Mexican challenger.

 “I came here to fight. I clearly lost… Nietes is a great champion no doubt and I hope to have another opportunity in the future,” wika naman ni Ramirez sa kanyang pagkatalo kay Nietes. (Russell Cadayona)

AUDITORIO GUELAGUETZA

BACOLOD CITY

CEBU CITY

ERIC RAMIREZ

KANYANG

NIETES

PORNSAWAN KRATINGDAENGGYM

RAMIREZ

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with