^

PSN Palaro

Pacquiao, Hatton o Cotto lamang para kay Mosley

-

MANILA, Philippines - Kung si American world welterweight champion Sugar Shane Mosley ang tatanungin, tatlong pangalan lamang ang nakikita niyang makakalaban ngayong taon --- sina Filipino Manny Pacquiao, Briton Ricky Hatton at Puerto Rican Miguel Cotto.

Sinabi ng 37-anyos na si Mosley sa The Canadian Press na gusto muna niyang makasagupa ang mananalo sa pagitan nina Pacquiao at Hatton bago itakda ang kanilang rematch ni Cotto.

“The only three fights out there right now are Pacquiao, Hatton and Cotto,” ani Mosley. “That’s what I’m looking at right now. I’d want Pacquiao or Hatton first. I feel like I have about four more years of fighting left, so I don’t care how long I have to wait.”

Itataya ni Hatton ang kanyang International Boxing Organization (IBO) light welterweight crown at ang Ring Magazine title laban kay Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang huling laban, tinalo ni Mosley si Antonio Margarito para agawin sa Mexican ang hawak nitong World Boxing Association (WBA) welterweight belt noong Enero 24 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Si Margarito ang kumuha sa WBA crown ni Cotto, tinalo si Mosley sa kanilang unang paghaharap noong Nobyembre ng 2007 sa Madison Square Garden sa New York City, noong Hulyo ng 2008.

Bukod kay Mosley, ang isa pang naghahangad na makalaban si Pacquiao ay si Mexican Juan Manuel Marquez na sasagupain ngayon si Juan “Baby Bull” Diaz para sa bakanteng WBA at World Boxing Organization (WBO) lightweight titles sa Toyota Center sa Houston, Texas.

 “If I win, it could mean great things for me, even more important fights,” ani Marquez, inagawan ni Pacquiao ng World Boxing Council (WBC) super featherweight crown via split decision noong Marso 15 ng 2008 bago umakyat sa lightweight class kung saan niya tinalo si Cuban Joel Casamayor via 11th-round TKO. “I feel very confident because I have been training very hard. I know I have a difficult fight, but not impossible to win.”

(Russell Cadayona)

ANTONIO MARGARITO

BABY BULL

BRITON RICKY HATTON

CANADIAN PRESS

COTTO

CUBAN JOEL CASAMAYOR

FILIPINO MANNY PACQUIAO

HATTON

MOSLEY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with