^

PSN Palaro

11th UP Chancellor's Cup National Invitational Table Tennis tilt

-

Nakatakdang humataw ang 11th U.P Chancellor’s Cup National Invitational Table Tennis Tournament sa Marso 31- April 4, 2009, na iniindorso ng UP College of Human Kinetics.

Inaasahang paglalaban ang 24 events at may karagda-gang tatlong espesyal na event para sa ‘Liha’ (sandpaper) racket players.

Ang unang tatlong araw (March 31-April 2) ay idaraos sa U.P. CHK gym sa may Diliman Preparatory School at Star Mall sa Alabang sa Abril 3- 4.

Ang naturang event na binuo ni Prof. Oscar Yoshihiro S. Santelices at handog kay incumbent Chancellor Sergio Cao ay magbibigay ng P200,000 papremyo sa mga magwawagi.

Magsisilbing basehan ng pagpili ng national junior pool ang naturang event na may basbas ng TATAP para sa Luzon chapter bilang pagha-handa sa Asian Youth Olympic Games sa Singapore sa Hunyo at World Youth Olympic Games sa 2010. Ang iba pang event ay gagawin sa Bacolod City mula May 20-24, 2009 na magiging batayan naman sa   pagpili ng mga kandidato ng atleta para sa Visayas at Mindanao.

Para sa ilang detalye bumisita sa www.gtcsports.net o www.philtt.com  na siyang official website para sa event. Para sa iba pang impormasyon kontakin si Prof. Oscar Yoshihiro S. Santelices, Cell no. 0917-880-6061 / 0923-504-3042. Ang mga entries ay maaring i-email sa [email protected] o i-faxed   sa 924-1893 / 929-6033. (RMP)

ASIAN YOUTH OLYMPIC GAMES

BACOLOD CITY

CHANCELLOR SERGIO CAO

COLLEGE OF HUMAN KINETICS

CUP NATIONAL INVITATIONAL TABLE TENNIS TOURNAMENT

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

OSCAR YOSHIHIRO S

P CHANCELLOR

SANTELICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with