Sama-sama sina US Ambassador Kristie Kenney, PBA Commissioner Sonny Barrios, New Marketlink Pharmaceutical Corp. CEO Dr. Francis Gomez at Senior Vice President and Managing Director ng NBA Asia Mark Fischer sa tip off ng Jr. NBA National Training Camp kahapon sa Jose Rizal University Gym sa Mandaluyong.
Pinuri din ng mga nabanggit na sports luminaries ang Jr. NBA Philippines program na ipiniprisinta ng Hi-Smart bilang paraan para sa mga kabataan na madevelop ang sarili sa pamamagitan ng basketball. Ang programa na nagsimula noong nakaraang Nobyembre ay may dalawang coaches clinic at magtatapos sa pamamagitan ng isang insentibong training camp para sa mga outstanding players mula sa Cebu at Manila.
Dumating sa bansa si Jr. NBA Coach Frank Lopez, galing ng Florida at nagpahayag ng kasiyahan na mabigyan ng tsansang makilala at masanay ang mga batang basketbolista at makatrabaho ang mga PBA legends na tulad nina Ronnie Magsanoc, Elmer Cabahug, Benjie Paras, Jerry Codinera at Jolly Escobar sa Jr. NBA camp.
“It is obvious how much Filipinos love this game, and I’m glad to be a part of it in this way,” aniya.
Sa loob ng tatlong araw ang 40 campers-20 mula sa Cebu at 20 mula sa Manila ang sasailalim sa conditioning work, skills development drills, full court transition drills, shooting challenges, big mansmall man exercises, development stations for offense at defense, team play opportunities at health and nutrition seminars.
Pagkatapos ng tatlong araw na boot camp na kabibilangan din ng competitive games at All Star competition, ang anim na pinakamahuhusay na campers ang bubuo sa Jr. NBA Philippines Team at ipapadala sa New York sa April para makapanood ng NBA games live at makipaglaro sa US Jr. NBA Team.