Nangako ang taunang DZMM Takbo Para sa Kalikasan ng mas malaki at kapana-panabik na event sa pagtatanghal ng ika-10th race nito sa Marso 8 sa Quirino Grandstand sa Manila.
Naglaan ang organizers ng benefit run ng P80,000 pa-premyo sa mga magwawagi sa 10K, 5K at 3K running events at iba pang special awards.
Ang kikitain sa karerang ito ay para sa rehabilitation ng La Mesa Watershed na nagbibigay ng tubig sa may 12 milyong residente ng Metro Manila.
Ang lalaki at babaeng kampeon sa regular 10K ay magbubulsa ng tig-P7,000 habang ang pangunahing finishers sa Hall of Fame category ay mag-uuwi naman ng P5,000 at tropeo.
May nakalaan ding special awards para sa pinaka-malaking ABS-CBN division contingent sa Kapamilya Para sa Kalikasan division. May cash prize na P3,000 ang ibibigay din sa pinakamalaking government contingent, pinaka-malaking NGO contingents at pinakamalaking school con-tingent na sasali sa karera.
Ang pagpapalista ay tinatanggap na sa ground floor ng Vasquez Madrigal Bldg. sa 51 Annapolis St. sa Greenhills San Juan City, at may P150 na registration fee.