Metro Open netfest niyanig ng upset
Niyanig ng upsets ang ikalawang araw ng first Metro Open People’s Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.
Ginulat ng unseeded na si Jaime Solon si sixth pick Arvin Ruel, 6-2, 6-3, upang makausad sa men’s singles quarterfinals ng P302,000 tournament na ito na ipiniprisinta ng Cebuana Lhuillier, Phiten, Le Soleil de Boracay at Just Jewels.
Ngunit nagnakaw ng eksena si Marinel Rudas nang gapiin nito ang 4th seed sa women’s singles na si Bien Zoleta, 3-6, 7-6 (3), 6-4.
Hindi rin pahuhuli si Ma. Regina Santiago na ginapi si No. 7 Anna Clarice Patrimonio, 6-0, 6-1. Pinakamatinding pagsubok niya ay ang pakikipagtipan kay top seed Bambi Zoleta na naka-bye sa first round.
Susunod naman makakaharap ni Solon si 3rd seed Rolando Ruel Jr., na tinalo si Mico Santiago, 7-6 (5), 6-1 para sa huling Last 8 seat.
Nakakuha din ng reserved seats sa quarterfinals sina top seed Johnny Arcilla at second pick Patrick John Tierro.
Tinalo ni Arcilla si Kim Ivor Saraza, 6-1, 6-1, habang ginapi ni Tierro si Christian Canlas, 6-1, 6-1.
Makakalaban ni Arcilla si No. 8 Rocky Paglalunan, na 6-7 (5), 6-2, 6-3 na nagwagi kay Pop Sabandon, habang si Tierro naman ay makakaharap si No. 7 Ronald Joven, na nanaig kay Michael Mantua, 6-2, 6-1.
Kukumpleto sa men’s quarter-finals cast sina 4th pick Ralph Kevin Barte, na dinaig si Gilbert Estrada, 6-3, 6-1, at No. 5 Elbert Anasta, na nanaig naman kay Rollyto Litang, 6-3, 7-5.
Sa kababaihan, pinayuko ni Jessica Marie Agra si Ivy de Castro, 6-2, 6-1, upang isaayos ang pakikipagkita kay Rudas.
Dinimolisa naman ni second seed Michelle Pang si Nikki De Dios, 7-5, 6-1 at isaayos ang pakikipagtagpo kay 8th pick Anna Christine Patrimonio, na nagtala ng 6-4, 6-2 panalo kay Tamitha Nguyen.
Dinispatsa naman ni 3rd seed Aileen Rogan si Jasmine Tan Ho, 6-2, 6-1, upang makaharap si No. 6 Trudy Gine Amoranto na nanaig kay Alyssa Callejo, 6-1, 6-3.
- Latest
- Trending