Junior NBA Philippines team pipiliin na

Sinu-sino ang makukuhang miyembro para sa Jr. NBA Philippines Team mula sa 40-kabataan para sa anim na puwesto?

Ang kasagutan sa tanong na ito ay malalaman matapos na ang mga best campers mula sa Jr. NBA Regional Selection Camps sa Cebu at Manila ay sasailalim sa tatlong araw na intensive basketball training sa ilalim ng US Jr. NBA coach na si Frank Lopez sa Jr. NBA National Training Camp na sisimulan sa Biyernes, (Pebrero 27) sa Jose Rizal University (JRU) Gym sa Mandaluyong City.

Ang Jr. NBA National Training Camp ang final na yugto ng Jr. NBA Philippuines na presinta ng Hi-Smart.

Sina Mark Fischer, Managing Director ng NBA Asia, Limited at Ms. Kristie Kenney, United States Ambassador to the Republic of the Philippines, ang special guests sa tip-off ceremony ng Jr. NBA National Training Camp na nakatakda sa alas  9:30am sa Biyernes.

Mayroong 20 kabataan mula sa Visayas na may edad 12 hanggang 14 at gayundin sa Manila at Luzon provinces ang makakaranas ng tunay na karanasan sa Jr. NBA training camps kung saan ang kani-kanilang mga karanasan sa kilos at lalo pang mahahasa tungo sa pinakamahusay na basketball players.

Makakatulong ni Lopez ang mga local Jr. NBA coaches na sina Ronnie Magsanoc, Jolly Escobar, Benjie Paras, Elmer Cabahug kasama si Ryan Gregorio sa training, pagpeprepara at pagaasikaso sa mga batang basketeers. 

Ang best six na may pinakamataas na iskor sa physical conditioning work, drills performance at all around basketball skills, gayundin sa Jr. NBA S.T.A.R. values of Sportsmanship, Teamwork, (Positive) Attitude and Respect, ang siyang mapipiling miyembro ng NBA Philippines Team. Sila ay pagkakalooban ng libreng biyahe sa New York at New Jersey sa Abril. Ang anim na kabataan ay makakapanood ng NBA games ng live at makakasama sa tour at makakalaro rin ang mga   Jr. NBA US team.

Show comments