Burger King Titans, bagong sundalo sa PBA
Sa pagbubukas ng PBA Fiesta Cup sa Sabado, ang lahat ng mata ay nakatutok sa Burger King Titans.
Ang bagong corporate name ay bago gayundin ang mga tao sa likuran nito. Pero hindi dapat magkamali dahil masidhi ang pagnanais ng Titans sa kanilang debut.
Maging si coach Yeng Guiao, na dinala ni Harbour Centre owner Mikee Romero, ang bagong partner ng Burger King sa ilalim ng Lina Group of Companies, ay nag-pahayag ng kasiyahan sa mala-king improvement ng koponan, lalo na sa jelling at rapport ng bawat miyembro ng koponan.
“As far as the system and my style of coaching are concerned, they (players) are getting a hang of it, maganda naman ang reception and they’re responding to it,” ani Guiao.
Nang tanungin tungkol sa goal ni Romero para sa team, positibo ang sagot ni Guiao dahil kilala niya ang never-say-die attitude ni Romero.
“That’s a realistic objective,” ani Guiao. “I’m seeing a good sign, but you really don’t know until mag-compete sila and face the pressure in game situation.”
Ang tanging napag-iisipan lang niya ay lumiit ang team nang mawala sina Ranidel de Ocampo, Doug Kramer, Don Allado, Niño Canaleta at JC Intal.
Ang tanging bigman nila ay sinaJR Quinahan and Homer Se. Ngunit hindi nababahala sina Guiao at Romero.
“Since this is an import tournament, and we got a post up player import, mako-compensate naman ‘yun,” ani Guiao, na aasistihan nina PBL champion coach ng Harbour Centre na sina Jorge Gallent and Junel Baculi.
“Our desire really is to be a run-and-gun team, that’s one way to keep away from our weakness. We have to score on transition and we need to get our points on fast break,” wika ni Guiao na kuntento sa kanilang 1-2-3 positions.
Ang pagtutuunan ng opensa ng koponan ay sina Arwind Santos at do-it-all Gary David na kapwa MVP winners sa PBL.
Bukod sa dalawa pinalalakas din ang team nina Cyrus Baguio at top playmaker ni Celino Cruz, na kapwa naglaro kay Guiao sa Red Bull. Makakasama din sa team ang dalawang dating Batang Pier na sina 6-foot-6 Beau Belga, 6-foot-4 Chad Alonzo at Erick Rodriguez.
Ang iba pang miyembro ay sina Wynee Arboleda, Marvin Cruz, Egay Billiones at Cholo Villanueva - na may pruweba na sa kanilang paglalaro.
- Latest
- Trending