^

PSN Palaro

Marquez, umaasa pa rin ng trilogy kay Pacquiao

-

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Mexican Juan Manuel Marquez na magkukrus pa kanilang mga landas ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao sa ikatlong pagkakataon.

 Sakaling talunin ni Marquez si Juan “Baby Bull” Diaz para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Association (WBA) lightweight belts, posibleng maitakda ang kanilang ‘trilogy’ ni Pacquiao. 

“Absolutely,” wika kahapon ni Richard Schaefer, Chief Executive Officer (CEO) ng Golden Boy Promotions, sa panayam ng Boxingscene.com. “The winner of this fight could move up. But at lightweight, there is a lot of opportunites there, too.” 

Matapos mauwi sa draw ang kanilang super featherweight fight noong Mayo ng 2004, umiskor naman si Pacquiao ng isang split decision upang agawin kay Marquez ang dating suot nitong World Boxing Council super featherweight crown noong Marso 15 ng 2008.

 “Hopefully, there is a third fight betwen us,” sambit ng 35-anyos na si Marquez, umakyat sa lightweight division kung saan niya tinalo si Cuban Joel Casamayor via 11th-round TKO.

 Makaraan namang tanggalan ng 30-anyos na si Pacquiao ng WBC super featherweight belt si Marquez, inalisan naman ni “Pacman” ng WBC lightweight title si Mexican-American David Diaz via ninth-round TKO noong Hunyo 28 bago talunin si Oscar Dela Hoya via 8-round TKO sa kanilang non-title welterweight bout noong Disyembre 6.

 Nakatakdang sagupain ni Marquez si Diaz para sa bakanteng WBO at WBA lightweight belts, binakante ni Nate Campbell matapos maging ‘overweight’ sa kanilang upakan ni Ali Funeka ng South Africa kamakailan, sa Linggo (US time) sa Toyota Center sa Houston, Texas. (Russell Cadayona)

ALI FUNEKA

BABY BULL

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CUBAN JOEL CASAMAYOR

DIAZ

GOLDEN BOY PROMOTIONS

MARQUEZ

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with