^

PSN Palaro

Arcilla, Tierro umusad sa susunod na round

-

Nagposte ng magaan na panalo sina National team mainstays Johnny Arcilla at Patrick John Tierro kontra sa kani-kanilang kalaban at banderahan ang first round winners sa first Metro Open People’s Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Pinayuko ng top seed na si Arcilla ang wildcard bet na si Johnwill Baldonado, 6-2, 6-0, habang ang second seed na si Tierro ay tinalo ang batang kapatid ni Arcilla na si Russell Jr., 6-2, 6-1, para buksan ang kanilang kampanya sa P60,000 top purse ng P302,000 tournament.

Ang magwawagi sa men’s singles ng torneong ito na ipiniprisinta ng Cebuana Lhuillier, Philten, Le Soleil de Boracay at Just Jewels, ay makakakuha ng 600 ranking points at awtomatikong upuan sa RP Davis Cup team na lalaro laban sa Hong Kong sa Asia Oceania Zone Group II tie sa March 6-8.

Naging araw ito ng mga paborito nang umusad din ang iba pang seeded players sa susunod na round kung saan tinalo ni third seed Rolando Ruel Jr. ang qualifier na si Romel Openiano, 6-2, 6-3; fourth seed Ralph Kevin Barte na nanaig kay Mario Sabas, 6-2, 6-2; at No. 5 Elbert Anasta na binasura si Archie Mano, 6-3, 6-2.

Nanaig din si sixth seed Arvin Ruel kay Francis Largo, 6-1, 6-1; No. 7 Ronald Joven kay Chung Soohan, 6-2, 6-0; at eighth pick Rocky Paglalunan kay Michael Adrian Basco, 6-1, 6-1.

Sa iba pang laban, bumangon mula sa opening set na kabiguan si Pop Sabandon upang igupo si Paul Magaway, 3-6, 6-1, 6-2, at nangailangan naman si Jaime Solon ng extra set para malusutan si Rickardo Lagac Jr., 6-1, 4-6, 6-2; pinayuko ng 14-year-old Mico Santiago si Jeson Patrombon, 7-5, 6-2;  nanaig si wildcard holder Rollyto Litang kay Akio Sy, 6-4, 6-4; namayani si Gilbert Estrada kay Joshua Tan Ho, 6-4, 6-3; at Michael Mantua kay Mark Balce, 6-4, 7-5.

 Magsisimula ang aksiyon ngayon sa kababaihan.

AKIO SY

ARCHIE MANO

ARCILLA

ARVIN RUEL

ASIA OCEANIA ZONE GROUP

CEBUANA LHUILLIER

CHUNG SOOHAN

DAVIS CUP

ELBERT ANASTA

FRANCIS LARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with