Top Thai riders nagpatingkad sa 2009 Motocross Masters of Asia-Puerto Princesa
Ang pagdating ng top Thai factory riders ang siyang mag-papatingkad at magbibigay ng kapana-panabik na laban sa gaganapin ngayong araw na 2009 Motocross Masters of Asia-Puerto Princesa International Motocross Grand Prix sa Sta. Monica International Racetrack sa Puerto Princesa City.
Inaasahang magiging mahigpit ang labanan para sa inaasam na korona nina Honda factory rider Kriangkrai Thiannok, Yamaha factory rider Thanarat Peruan at Honorary President ng FIM UAM at kasalukuyang Thai federation President Thongchai Wongsawan na kasali sa battle royale ng Asia’s national champions sa nasabing pinakamalaking motorcycle spectacle na hatid ng City of Puerto Princesa, Philippine Charity Sweepstakes, CTI Knee-brace, Oakley, Petron 4T, Spyder, Castrol, HJC Helmets at Department of Tourism.
Umaasa ang Thailand na muling mabawi ang korona na huling pinagwagian ni Arnon Theplib, dalawang taon na ang nakakaraan, subalit napakahirap ng kanyang tsansa dahil na rin sa Mongolia at Iran na mabilis na sumikat sa Arlan power bukod pa sa mga wolrd caliber riders mula sa Japan, Hong Kong, India, China, Sri Lanka at Indonesia na pawang mga kalahok din sa torneo.
Nakatakdang dumating sa Huwebes ang malaking bulto ng foreign delegates. Ang Indonesia ang siyang may pinakamalaking bitbit na contingents sa pangunguna ng mga dating kampeon na sina Aep Dadang, Yussof Irawan at Alex Khaliunbold na susuportahan ang tatlong riders sina Boldbautar Ganod, Temuujin Khadbaatar at rookie Dashdondog Ochirsukh.
Sa kabilang dako, malakas rin ang tsansa ng Iran para sa Asian diadem sa likod ni Mojtaba Karimazadeh at Amireza Sabetifar.
Kabilang sa mga top caliber foreign entries ay sina Vincent Lai ng Hong Kong, Su Wen Min ng China, Tuan Ossen ng Sri Lanka at Japanese Suzuki factory rider at 2002 National Champ-freestyle rider Sinichi Kaga na siyang main instructor sa AMSA Asian Motorcycle Sports Academy clinic.
Ang kampanya ng Pilipinas para sa korona ay babanderahan ng reigning Rider of the Year na si Kenneth San Andres na makakasama ang dating kampeon na si Jan Carlo at bagong lahok mula sa Mindanao at Cebu.
- Latest
- Trending