^

PSN Palaro

Huling taon na ni Pacquiao sa pagboboksing

-

Muling inihayag ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao na ito na ang kanyang huling taon bilang isang professional fighter. 

Sinabi ng 30-anyos na si Pacquiao na matapos ang kanyang paghahamon kay Briton world light welterweight titlist Ricky Hatton, ang posibleng pakikipagharap kay American welterweight king Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang huling laban para sa taong ito.

“Ito na talaga ‘yung last year ko sa boxing. Siguro after Ricky Hatton, si Floyd Mayweather, Jr. na ang huli kong laban,” wika ng tubong General Santos City. “After that, marami akong option na tinitingnan para makatulong sa mga kababayan ko sa GenSan.”

Marami ang nagsasabing muling susubukan ni Pacquiao, napaulat ring tatakbo bilang kinatawan ng Quezon City sa Kongreso, ang paglahok sa pulitika sa kanyang pagkandidato bilang Alkalde ng GenSan sa 2010.

Matatandaang natalo si Pacquiao kay incumbent Rep. Darlene Antonio-Custodio para sa isang Congressional seat sa first district ng South Cotabato noong 2007.

Samantala, hinamon naman si Pacquiao nina dating world welterweight champion Miguel Cotto at world super featherweight ruler Edwin Valero ng Venezuela, parehong nasa bakuran ng Top Rank Promotions ni Bob Arum.

“The winner of the Hatton-Pacquiao fight, if they want to fight me, I’m here,” sabi ng 28-anyos na si Cotto matapos umiskor ng isang fifth-round TKO kay Briton Michael Jennings noong Linggo. “I’m open to anything. We want to face the best fighters available and it’s just a question of deciding who we’re going to fight next.” 

Umaasa naman ang kampo ng 27-anyos na si Valero na mabibigyan ng pagkakataon ang Venezuelan knockout artist na makasagupa si Pacquiao sa lightweight division.

“We felt that once his name gets built better here in the States, it will be easy for them to move forward if they come to that decision since they would have the same promoter,” ani Jose Castillo, manager ni Valero. (Russell Cadayona)

BOB ARUM

BRITON MICHAEL JENNINGS

DARLENE ANTONIO-CUSTODIO

EDWIN VALERO

FLOYD MAYWEATHER

GENERAL SANTOS CITY

JOSE CASTILLO

PACQUIAO

RICKY HATTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with