^

PSN Palaro

Venus vs Razzano sa Dubai Open finals

-

DUBAI -- Dinomina ang first set, tinalo ni Venus Williams ang kanyang kapatid na si Serena, 6-1, 2-6, 7-6 (3), upang umabante sa finals ng Dubai Championships dito.

Makakasagupa ni Venus para sa titulo si unseeded Virginie Razzano ng France na bumigo naman kay Kaia Kanepi ng Estonia, 6-1, 6-2, sa isa pang semifinals match.

Dalawang double-fault ng world number one na si Serena ang nagbigay kay Venus ng 1-0 lead patungo sa paglilista ng 4-1 abante sa first set.

Sa third set, nakuha naman ni Serena ang 2-1 lamang kasunod ang pagsagip sa tatlong break points galing sa kanyang mga inihataw na aces hanggang maisuko ang pang apat na break point.

“It was definitely a finals-quality match,” sabi ng No. 6 ranked na si Venus, nakabalik sa top five sa unang pagkakataon matapos noong Agosto ng 2003.

“Obviously, winning a match that close is satisfying, especially against the top-ranked player. Of course, when I walk on to the court with Serena I have respect for her, so that’s obviously the best part about winning,” dagdag pa nito.

Aminado naman si Serena sa kanyang pagkatalo.

Sa Memphis, Tennessee, binigo naman ni top-seeded Andy Roddick si Sam Querrey, 6-4, 3-6, 6-3, sa semifinal round ng ATP RMK Championships dito.

Makakasagupa ni Roddick sa semifinals si dating No. 1 Lleyton Hewitt, iginupo si Belgian veteran Christophe Rochus, 6-2, 6-3.

Sa isa pang semifinals duel, makakatapat ni No. 5 Radek Stepanek ng Czech Republic si Dudi Sela ng Israel.

Tinalo ni Stepanek si No. 2 Juan Martin del Potro ng Argentina, 7-6 (7), 6-4, habang ginitla naman ni Sela si Igor Kunitsyn ng Russia, 4-6, 6-4, 6-2, sa kani-kanilang quarterfinals matches.

ANDY RODDICK

CHRISTOPHE ROCHUS

CZECH REPUBLIC

DUBAI CHAMPIONSHIPS

DUDI SELA

IGOR KUNITSYN

JUAN MARTIN

KAIA KANEPI

LLEYTON HEWITT

MAKAKASAGUPA

RADEK STEPANEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with