^

PSN Palaro

Villar Cup Panagbenga leg sasargo na

-

BAGUIO CITY, Philippines - Babanderahan ni Efren ‘Bata’ Reyes ang mga pinakamahuhusay na cue artist sa bansa na maglalaban-laban sa karangalan sa pagsargo ng ikalawang season ng Senator Manny Villar Cup Panagbenga leg sa Activity Center ng SM City dito.

Ito ang unang pagkakataon na ang island-hopping pool series ay tutungo sa norte matapos ang matagumpay na inaugural season na tinampukan ng limang iba’t ibang probinsiya ng bansa. 

Tutumbukin naman ni Senator Villar, ang pinakamalaking benefactor ng billiards, ang ceremonial break at magdedeklara sa pagbubukas ng torneo na ipiniprisinta ng kanyang Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports at suportado ng Camella Communities.

Bukod kay Reyes, ang ilan pang markadong pangalan na magtatangka sa titulo at parte sa premyong P800,000 pot ay sina dating world champion Alex Pagulayan at Ronnie Alcano, dating world no.1 Dennis Orcollo at Francisco “Django” Bustamante, Lee Van Corteza, Antonio Lining, Joven Bustamante at ang mga nagwagi noong nakaraang taon na sina Warren Kiamco (Alabang), Gandy Valle (Cebu), Ramil Gallego (Bulacan), Gomez (Davao) at Rodolfo Luat (Bacolod).

Nakapasok din ang top 10 players mula sa BMAP rankings na sina Carlo Biado, Russian Petiza, William Millares, Benjie Guevarra, Michael Feliciano, Elmer Haya, Egie Geronimo, Ricky Zerna, Godofredo Ducanes at Rene Mar David, at ang 2008 Search for the New Billiards Idol grand winner na si Mike Takayama, at qualifiers Richard Pornelosa, Emil Martinez, Jordan Legaspi, Benedict Rojo at Oscar LaPuebla.

Binigyan naman ng wild card slots sina top Pinay player Rubilen Amit at Canadian Gerry Watson.

vuukle comment

ACTIVITY CENTER

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO LINING

BENEDICT ROJO

BENJIE GUEVARRA

CAMELLA COMMUNITIES

CANADIAN GERRY WATSON

CARLO BIADO

DENNIS ORCOLLO

EGIE GERONIMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with