MANILA, Philippines - Ibabalik ng 2009 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament ang kahali-halinang torneo sa pagbubukas ng unang yugto ngayon sa sandcourts ng University of the East-Caloocan campus.
May 20 magagandang partisipante, hinati sa 10 koponan mula sa pangunahing paaralan at unibersidad sa bansa ang makikipagtagisan ng ganda at husay para tanghaling kauna-unahang leg queen ng Petron tournament na nasa ikapitong taon na.
“The girls aren’t just competitive, they are also beautiful and very pleasing to the eyes, which is the very essence of the sport of beach volleyball,” pahayag ng organizer na si Tisha Abundo, dating commissioner ng Philippine Sports Commission.
Nakataya sa dalawang araw na torneo na hatid ng Petron, Speedo, Mikasa at UE Caloocan ang premyong P10,000 at awtomatikong upuan sa Battle of the Champions Grand Finale. Inimbitahan din si Petron Advertising and Promotions Director Charmaine Canillas para sa simpleng opening ceremony ngayong ala-una ng hapon.