MANILA, Philippines - Nagninging sina Richard Pornelosa, Emil Martinez at Jordan Legaspi mula sa 48 aspirante upang makasama sa elite crop ng cue artists na maglalaban-laban sa Sen. Manny Villar Cup Panabenga leg na ipiniprisinta ng Senator Manny Villar’s Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports at suportado ng Camella Communities, sa ginanap na qualifying tournament sa Bowling Inn sa Taft Ave. Manila.
Tinalo ni Pornelosa, sina Jun Caro (7-6), Joan Alisbo (7-3), at Jundel Mazon (7-5).
Winalis din ni Martinez ang kanyang laban kina Steve Villamil (7-0), Marvin Tapia (7-5) at Legaspi (7-4) upang makapuwesto sa P300,000 top purse na nakataya sa torneong magsisimula bukas sa SM City Baguio.
Nakopo naman ni Legaspi ang ikatlo at final qualifying nang igupo niya si Mazon, 7-3 sa playoff match.
Nasa main draw na sina Efren “Bata” Reyes, Ronnie Alcano, Alex Pagulayan, Dennis Orcollo, Francisco ”Django” Bustamante, Lee Van Corteza, Antonio Lining, Joven Bustamante at last year’s leg winners Warren Kiamco (Alabang), Gandy Valle (Cebu), Ramil Gallego (Bulacan), Gomez ( Davao ) at Rodolfo Luat ( Bacolod ).