Abala ang lahat ng PBA teams

Abalang-abala naman ang lahat ng PBA teams ngayon sa kanilang paghahanda sa PBA Fiesta Conference na magsisimula sa Pebrero 28.

Kumpleto na rin naman daw ang mga pangalan ng imports ng bawat team, na may mga luma at bagong mukha.

Tanong? Sino kayang import ang unang pauuwiin?

***

Busy si Manny Pacquiao sa kanyang pagsu-shoot sa teleseryeng “Totoy Bato” na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Kailangan niyang mag-shoot ng maraming scene dahil siyempre maghahanda naman ito sa kanyang megafight laban kay Ricky Hatton sa May 2 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Nakatakdang magtungo sa Amerika si Pacman sa Pebrero 24 upang magsimula muna ng promotional tour at siyempre kasunod na nito ang kanyang maigting na paghahanda.

As usual, maraming Pinoy ang tiwala na kakayanin ng Pambansang Kamao ang laban na ito na kikita na naman ang Pinoy ng milyung-milyong dolyares, manalo man o matalo.

***

Grabe as in grabe ang slam dunk competition na ginanap sa NBA All-Star week.

Hala, kakaibang dunks ang ipinakita ng mga contestants pero kahanga-hanga sina Nate Robinson at Dwight Howard sa kanilang performance.

May portion na nagsuot ng kapa ni Superman si Howard at nagpakita ng isang magandang slam dunk.

Kinontra naman ni Robinson ito sa pagsuot ng kulay green na uniporme pati rubber shoes na sagisag ng kryptonite na siyang pangontra sa kakayahan at lakas ni Superman.

Ha ha ha tunay ka, nakontra nga ni Robinson ang lakas ni Howard na ginamit pa nito sa kanyang nagpanalong dunk.

Grabe, kagila-gilalas talaga dahil ang laki ng taas ni Howard para lundagin ng mababang si Robinson.

Very deserving!

***

Eh dito kaya sa atin?

Malapit na ang PBA All-Star Week kaya tiyak na may idea ang ilang players na sasali sa slam dunk competitions!

Di ba guys!

Pero make it sure na safe ang gagawin nyo at free from injury ha!

Good-Luck!

***

Happy birthday sa aking dearest daughter na si Leslie Jylle (Feb. 18), kay PSNgayon advertising manager Bonnie Lachica (Feb. 18), Lanie Enriquez (Feb. 18), Ella Mae Madla (Feb. 18), ex-PBA player Zaldy Realubit (Feb. 18) at Rommel Condino (Feb. 20) at ex-PBA and Blue Eagles player Nonoy Chuatico (Feb. 22).

Show comments