Ang huling araw ng pagsu-sumite ng entries sa Metro Open Championships ay may hanggang alas-12 ng tanghali na lamang ng Pebrero 20. Isusunod agad dito ang draw sa ganap na alas-2 ng hapon.
Ang Grade A tournament, na ipiniprisinta ng Cebuana Lhuillier, Philten, Le Solei de Boracay at Just Jewel, ay nakatakda sa Feb. 24-28 at sa Rizal Memorial Tennis Center na ang qualifying rounds ay nakatakda sa Feb. 23 sa nasabi ding lugar.
May kabuuang P302,000 cash prize ang naghihintay sa magwa-wagi sa men’s at women’s singles at doubles competition.
Ang men’s champion ay tatanggap ng P60,000 pa-premyo at higit sa lahat ang puwesto para sa Philippine Davis Cup team na makikipaglaban sa Hong Kong sa Marso 6-8 sa first round ng Asia-Oceania Zone Group II com-petitions.
Ang women’s singles titlist naman ay magbubulsa ng P25,000 habang ang magwawagi sa men’s at women’s doubles ay magsusubi ng P15,000 at P8,000 ayon sa pagkakasunod.
Para sa ilang detalye, tuma-wag sa PHILTA office o kay tournament referee Boy Leonora.