^

PSN Palaro

St. Jude nakarating sa finals

-

MANILA, Philippines - Marahil ay puwedeng sundan ng St. Jude Catholic School ang passage sa Bibliya na nagsasabing “the last will be first” matapos na makarating sila sa Finals ng 39th Yakult Metro Manila Tiong Lian Basketball Association kung saan makakatagpo nila ang defending champion Xavier School.

Ang Judeans, na nagtala lang ng isang panalo at nangulelat sa elimination round ng torneong sinusuportahan ng PG Flex Linoleum at Outlast Batteries at ipinalalabas sa Makisig Network Sky Cable channel 76 at 82, ay nagwagi kontra host UNO High School, 69-59 sa semis upang umabot sa finals sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang maging miyembro ng liga noong 2003.

Aminado ang lahat na ang 1-2 punch ni coach Goldwyn Monteverde ay sina Kim Lo at Derrence Lam na nagtulong upang maipanalo nang dalawang beses ang St. Jude kontra Grace Christian College sa quarterfinals. Subalit malaking tulong din ang naibibigay ng three-point shooter na si Jason Ligad upang pabukahin ang depensa ng kalaban.

Si Ligad, na nagdiwang ng ika-15th kaarawan noong Disyembre 28 ay nasa ikalawang taon pa lang niya sa St. Jude subalit naipakita na niya ang kanyang halaga. Sa ngayon, inaamin niya na kung opensa lang ang kanyang magiging sandata’y hindi malayo ang kanyang mapu-puntahan. Kaya naman pinipilit din niyang patatagin ang kanyang depensa.

Si Ligad, na umiidolo kina James Yap ng Purefoods at Kobe Bryant ng LA Lakers, ay tiyak na magiging malaking factor sa Finals kung saan underdog ang St Jude. At dahil hindi mabigat ang pressure bunga ng pangyayaring sigurado na sila na maitatala ang kanilang highest finish, tiyak na makapagbibigay ng magandang laban ang St. Jude sa Xavier sa best-of-three Finals na magsisimula sa Martes.

ANG JUDEANS

DERRENCE LAM

FLEX LINOLEUM

GOLDWYN MONTEVERDE

GRACE CHRISTIAN COLLEGE

HIGH SCHOOL

JAMES YAP

JASON LIGAD

SI LIGAD

ST. JUDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with