Matinding hamon ang ibibigay ng mga dayuhang riders
MANILA, Philippines - Inaasahang bibigyan ng mga dayuhang riders ng malaking hamon ang mga Pinoy riders para sa overall crown ng 2009 Motocross Masters of Asia-Puerto Princesa International Motocross Grand Prix na nakatakda sa Pebrero 27 hanggang Marso 1 sa Sta. Monica International Racetrack sa Puerto Princesa City.
Babanderahan ng defending champion na si Erdenbileg Khaliunbold ng Mongolia ang matitikas at world-class riders na darating sa Martes sa susunod na linggo para sa pinakamalaking motorsports spectacle na hatid ng Lungsod ng Puerto Princesa, Philippine Charity Sweepstakes, Oakley, Castrol, CTI Knee Brace, Department of Tourism, Petron 4T, Insideracing at HJC Helmets.
Ito ang ikatlong taon na lalahok si Khaliunbold sa naturang event na humahatak na ng mga tagasunod na nakabase sa Puerto Princesa na humanga sa mga kakaibang kakayahan at daredevil acts ng mga rider.
Nagpakita ng magandag senyales si Khaliunbold noong baguhan pa ito may dalawang taon na ang nakakalipas nang magtapos ito na pampito sa Motocross Masters habang 10th overall sa Asian Motocross series dito. At malaki ang kanyang ipinakitang galing nang makopo niya ang titulo sa Asian Motocross noong nakaraang taon.
Pero malaking hamon para sa Mongolian ang Sta. Monica International Racetrack dahil nakawala sa kanyang kamay ang Mayor Edward S. Hagedorn Cup-- ang maningning na silver trophy mula kay Hagedorn ng dalawang beses matapos na magtapos na pang-10th.
Nanatiling malaking banta ang Indonesia sa pangunguna ni Alex Wiguna na nag-aasinta ng back-to-back crown sa nasabing event. Para sa ilang detalye tungkol sa Motocross Masters of Asia, bisitahin ang www.namsa.org o www.asianmx.org o mag-email sa [email protected] o tumawag sa 0917-847-9785.
Kabilang sa ibang Asian champs na nagkumpirma ng kanilang partisipasyon ay ang Suzuki factory rider at 2002 Japanese National Champ-freestyle rider Sinichi Kaga na pangunahing instructor ng AMSA Asian Motorcycle Sports Academy clinic; Indian CS Santosh, Vincent Lai ng Hong Kong, Team Thailand, Chinese Su We Min at Indonesian Supercross champ Aep Dadang.
- Latest
- Trending