^

PSN Palaro

Cardona At Alapag

FREETHROWS - AC Zaldivar -

BUKOD sa hangaring mapagkampeon ang Talk N Text, marahil ay mayroon ding pansariliring da­hilan sina Mark Cardona at Jimmy Alapag na maka­pag­pakitang-gilas nang husto sa katatapos ng KFC-PBA Phi­lippine Cup.

Malaki ang papel na ginampanan ng dalawang manlalarong ito sa kabuuan ng torneo at lalo na sa best-of-seven championship series. Hindi maitatatwa na sila ang 1-2 puch ni coach Vincent “Chot” Reyes. Si Cardona ang leading scorer ng team samantalang si Alapag naman ang siyang nagtitimon sa koponan at nagbibigay ng direksyon sa kanilang plays.

Undeniably, silang dalawa ang top players ng Philippine Cup!

 Curiously, hindi kasama sina Cardona at Alapag sa 14-man pool na binuo ni national coach Joseller “Yeng” Guiao at ng panel of coaches na namili.

 Hindi naman natin sinasabing mali ang naging selection. Kasi nga, nang binubuo ang pool, halos nasa bottom half ng standings ang Talk N Text. Ma­rahil, kung ngayon bubuuin ang selection, maka­kasama sina Cardona at Alapag. Pero nabuo na iyon ilang buwan na ang nakalilipas.

Wala namang ESP sina Guiao na nagbigay sa kanila ng kaalaman ng kung ano ang mangyayari sa katapusan ng torneo, e.

Sa isang yugto ng elimination round kung saan nagwagi ang Talk N Text laban sa Red Bull, na dating hinahawakan ni Guiao, ay nagparamdam si Cardona. Matapos na magwagi ang Tropang Texters ay sinabi niya na nais nga niyang maging miyembro ng pool at umasa siya na dahil maganda ang kanyang ipi­nakita ay mag-reconsider pa si Guiao.

Pero hindi naman kaagad magagawa iyon at ang kanyang mga kaagaw sa pusisyon ay sina James Yap, Willie Miller at Cyrus Ba­guio.

Sa panig ni Alapag, medyo masakit ang ma­wala sa RP team lalo’t iisi­ping miyembro siya ng na­tional squad na luma­hok sa FIBA Asia Men’s championship sa Tuko­shima, Japan dalawang taon na ang nakalilipas. Bata pa naman si Alapag at kaya pa naman niyang magsilbi sa bansa.

Pero siyempre, nai­intindihan din naman ng lahat na may sariling pla­no si Guiao. Kung titig­nang maigi ang kompo­sisyon ng 14-man pool, makikitang matatangkad ang mga manlalarong kinuha para dito.

Marahil, kinukun­si­dera ni Guiao at ng coa­ching staff ang match-ups sa international com­petitions kung kaya’t med­yo matatangkad ang point guard na pinili nila. At iyon ang dahilan kung bakit na-etsapuwera si Alapag.

 Well, hindi man sila naging miyembro ng 14-man pool, magiging me­morable na rin ang sea­son na ito para kina Ala­pag at Cardona dahil sa nagkampeon naman sila sa Philippine Cup.

ALAPAG

ASIA MEN

CYRUS BA

GUIAO

JAMES YAP

JIMMY ALAPAG

PERO

PHILIPPINE CUP

SHY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with