MANILA, Philippines - Niyanig ni Camille Manalo, dating miyembro ng Philippine training pool mula sa University of Santo Tomas, ang two-time Olympian na si Toni Rivero ng Ateneo upang makopo ang welterweight gold medal sa nakaraang Smart/Petron CPJ (Carlos Palanca Jr.) taekwondo championships sa Ninoy Aquino Stadium.
Hiniya ng 18-anyos na si Manalo ang Athens at Beijing Olympic veteran na si Rivero via sudden-death matapos na magtabla sa 2-2 sa pagtatapos ng dalawang rounds.
“Both Toni and Camille delivered a kick each, but Camille’s shot proved to be more telling,” ani ng isang official. Isa pang dating training pool member--ang flyweight na si Caryn Pilongo ng UST ang humatak ng isa pang sorpresa matapos na talunin ang national player na si Sugar Catalan ng UP-Diliman.
Nakaligtas naman si Tshomlee Go ng Air Force ang nagbulsa naman ng bantamweight gold matapos igupo si Jeffrey Figueroa.