^

PSN Palaro

96 bronze medalists sa 24th SEAG, sibak sa bagong kriterya ng POC

-

MANILA, Philippines - Sa inilantad na kriter­ya ng Philippine Olympic Committee (POC), impo­sib­le nang mangyari ang medal projection nitong 80 hanggang 120 gold medal sa darating na 25th South­east Asian Games sa La­os.

Sa kriterya, awtoma­ti­kong makakakuha ng puwesto ang 42 gold at 91 bronze medalist sa naka­raang SEA Games sa Na­khon Ratchasima, Thai­land noong 2007, habang tanggal na sa listahan ang 96 bronze medalists.

Sa naturang mga gold medalists, 29 na lamang ang lumalahok pa sa mga kompetisyon, samanta­lang ang 13 naman ay nag­retiro na.

“Lahat ng nag-gold at silver sa last Southeast Asian Games, okay na ‘yon,” ani Chef De Mission Mario Tanchangco ng sepak takraw association. “Iyong top eight sa world championships or Asian level competitions na sina­lihan ng Japan, Korea, China, kasama na rin.”

Kabuuang 42 gold, 91 silver at 92 bronze medals ang naiuwi ng Team Phi­lip­pines mula sa 2007 Thai­land SEA Games para mahulog sa ikaanim na posisyon makaraang tanghaling overall cham­pion noong 2005.

Bukod sa mga bronze medalists sa 2007 SEA Games, awtomatiko na ring hindi mapapabilang sa delegasyon ang mga at­letang walang naibul­sang gold at silver medal sa dalawang sunod nilang pagsali sa nasabing bien­nial meet, ayon kay Tan­chang­co.

Nauna nang nagpaha­yag sina POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. at POC Rules and Sports Commission chief Go Teng Kok na kaya ng bansa na sumikwat ng 80 hanggang 120 ginto mula sa 2009 Laos SEA Ga­mes para sa overall crown. 

ASIAN GAMES

BUKOD

CHEF DE MISSION MARIO TANCHANGCO

COJUANGCO

GO TENG KOK

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RULES AND SPORTS COMMISSION

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with