^

PSN Palaro

Do-or-die game!

-

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng gabing ito, may isang koponang tatanghaling kampeon at magdiriwang ng magdamag at may isang koponan uuwing mabigat ang dibdib.

Alas-7:00 ng gabi, magkikita sa court ng Araneta Coliseum ang Alaska at Talk N Text para tapusin na ang lahat.

Isa sa dalawang koponang ito ang mag-uuwi ng titulo ng KFC-PBA Philippine Cup.

Naitulak ng Tropang Texters ang kanilang best-of-seven championship series sa winner-take-all Game-7 na ito matapos ang 99-94 panalo noong Linggo na nagtabla ng serye sa 3-3 panalo-talo.

Siguradong magiging matensiyon ang labanan ngayong gabi lalo na’t nagkainitan na sina Alaska coach Tim Cone at si Mac Mac Cardona ng Talk N Text noong Linggo.

Nagbigay na ng babala si Cone na hindi na niya hahayaang gawin uli ni Cardona ang kanyang harap-harapang pang-aasar sa kanyang mga players.

“If Cardona taunts our player again, my players will knock him down on the floor,” ani Cone sa balitang lumabas kamakalawa. “He’s done that three times already in the series. I will not allow it anymore. It (taunting) starts a fight. And I tell you, my players will not back down.”

Hindi naman naapektuhan ang dating La Salle hotshot na si Cardona sa banta ni Cone.

“I’m just being myself and I will continue to be that way. I’m an emotional player. I do those things with nothing personal against anybody. I’ve been that way since my college days at La Salle,” sagot ni Cardona.

Ngayon nadala ng Tropang Texters ang serye sa kaduluduluhan nito, determinado silang makuha ang kanilang ikalawang titulo.

“They are tired, we are tired, we’ll see on Wednesday (Game 7),” ani TNT coach Chot Reyes na hangad ang kanyang ikalimang titulo. “This is all we asked for, and we did it. Now it’s all in our hands.”

Hangad naman ni Cone ang kanyang ika-13 titulo bukod pa sa malagpasan ang all-time record na 601 wins ni legendary coach Virgilio “Baby” Dalupan.

Samantala, ipinamigay naman ng Ginebra si Alex Crisano sa Red Bull kapalit ng 2010 second round pick. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ALEX CRISANO

ARANETA COLISEUM

CHOT REYES

IF CARDONA

LA SALLE

LINGGO

MAC MAC CARDONA

MAE BALBUENA

TALK N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with