^

PSN Palaro

St. Jude nagkaroon ng tsansa sa quarterfinals

-

Biglang-bigla’y umaliwalas ang kinabukasan para sa St. Jude Catholic School sa quarterfinals ng 39th Yakult Metro Manila Tiong Lian Basketball Association at ang lahat ng ito’y dahil sa star player na si Kim Lo.

Kahit na nangulelat sa elimination round, ang St. Jude ay mayroon ngayong tsansang pumasok sa semifinals at magkaroon pa ng twice-to-beat advantage sa yugtong iyon ng torneong sinusuportahan ng PG Flex Linoleum at Outlast Batteries at ipinalalabas sa Makisig Network Sky Cable channel 76 at 82.

Ito’y matapos na talunin ng St. Jude ang second placer Grace Christian College noong Biyernes upang mapuwersa sa isang rubber match para sa huling semis berth mamayang 5:30 ng gabi sa UNO High School Gym.

Ang magwawagi sa St. Jude at Grace Christian ay makakalaban ng UNO High sa semis kung saan magkakaroon ito ng twice-to-beat na bentahe.

Maglalaban naman ang St. Stephen High at defending champion Xavier School sa isa pang semis match.

FLEX LINOLEUM

GRACE CHRISTIAN

GRACE CHRISTIAN COLLEGE

HIGH SCHOOL GYM

KIM LO

MAKISIG NETWORK SKY CABLE

OUTLAST BATTERIES

ST. JUDE

ST. JUDE CATHOLIC SCHOOL

ST. STEPHEN HIGH

XAVIER SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with