^

PSN Palaro

Game-7 ipinuwersa ng TNT

-

Hindi pa handang sumuko ang Talk N Text.

Ipinuwersa ng Tropang Texters ang deciding Game-7 matapos itakas ang 99-94 panalo kontra sa Alaska sa Game-6 ng kanilang titular series sa KFC-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Hindi binigo ng Tropang Texters ang kanilang ‘boss’ na si Manny V. Pangilinan na may mahigpit na habilin bago magsimula ang laro.

“Siguraduhin n’yong may laro pa sa Miyerkules,” ang sabi ng team owner na si Pangilinan sa dugout bago magsimula ang laro.

Naudlot ang inaasahang pagdiriwang ng Aces nang ipagkait ng Tropang Texters ang titulo matapos nilang itabla ang best-of-seven championship series sa 3-3 panalotalo.

Dahil dito, umaatikabong giyera ang magaganap sa winner-take-all Game-7 na gaganapin sa Miyerkules sa Araneta Coliseum din.

Tumapos si Cardona ng 23 puntos kasunod ang 21 ni Jimmy Alapag at 17 ni Ali Peek para sa Talk N Text.

Nagtala ng 19-puntos na kalamangan angTalk ‘N Text, 78-59, 1:43 minuto sa third period ngunit isang 17-4 atake ang pinakawalan ng Alaska sa pangunguna ng Best Player of the Conference na si Willie Miller katulong sina Larry Fonacier, John Ferriols at Reynel Hugnatan makalapit sa 76-82, 7:57 ang oras sa ikaapat na quarter.

Ngunit hanggang dito na lamang ang nagawa ng Aces nang muling nakalayo ang Tropang Texters tungo sa kanilang tagumpay.

Dikit pa ang iskor sa 85-89 matapos ang basket ni Miller ngunit lumayo ang Tropang Texters sa 97-92 sa pagbibida nina Cardona at Peek, 24.1 segundo na lamang.

“They’re tired, were tired, on Wednesday its going to be a tired game. It’s going to be a team who’s gonna be less tired and the team that’s less tired can execute a lot better,” ani coach Chot Reyes. (MBalbuena)

ALI PEEK

ARANETA COLISEUM

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CHOT REYES

JIMMY ALAPAG

JOHN FERRIOLS

LARRY FONACIER

MANNY V

TALK N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with