Lee may pinatunayan sa PBL
Nagtala ng kasaysayan si Paul Lee ng Bacchus Energy sa Philippine Basketball League (PBL) kahapon na siyang unang rookie na nanalo ng Best Player of the Conference sa simpleng award rites sa Ynares Sports Center.
Bukod sa pagiging No. 1 scorer sa double-round elims, maganda rin ang numero ng 19-gulang na si Lee sa departments para tanghaling pinakamahusay na player sa PG Flex Linoleum Cup matapos ang botohan ng print at broadcast media at Commissioner’s office.
“I’m happy to receive this award but I did not expect it considering there are so many tough guys out there,” ani Lee na tumanggap ng tropeo mula kay Commissioner Chino Trinidad.
Tinalo ni Lee ang leading scorer ng Harbour Centre na sina Reed Juntilla at Rico Maierhofer.
- Latest
- Trending