6th title naaamoy na ng Harbour Centre

Nilimitahan ng Harbour Centre ang Magnolia Purewater sa 80 points for lamang sa ikalawang pagkakataon sa kanilang 93-73 win para makalapit sa inaasam na ikaanim na sunod na titulo sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Mainit ang simula ng Batang Pier upang dominahin ang larong inaasahan ng marami na magiging gitgitan.

“That was the key, we started hot, so everything went on smoothly,” ani coach Jorge Gallent. “We were aggressive in both ends, we denied they key players, including Neil.”

Nalimitahan ang 6-foot-4 na si Raneses sa walong puntos lamang sa kanyang 3-of-6 shooting matapos ang 25 point performance sa Game 2.

Sa likod ng epektibong running game na pinangunahan nina Benedict Fernandez, Reed Juntilla, Al Vergara at Mark Barroca, siniguro na ng mga Batang Pier ang panalo sa kalagitnaan pa lamang ng laro nang kanilang iposte ang 22-puntos na kalamangan sa ikatlong quarter.

Pinangunahan ni Fernandez ang apat na Harbour players na nagsumite ng double figures sa kanyang 20-puntos kabilang ang siyam sa second quarter kung saan sila tuluyang lumayo.

Nag-ambag naman si Barroca at Juntilla ng 13 points habang si Rico Maierhofer, nilagay sa starting unit sa unang pagkakataon, ay tumapos ng 12.

Ang panalo ng Harbour Centre sa Martes ay isang magandang pabaon sa Mike Romero-owned squad dahil ireretiro na nila ang pangalan ng kumpanya matapos dominahin ang liga ng halos apat na taon.

Hindi naman nakaiskor si Eder Saldua matapos magsumite ng double figures sa unang dalawang laro ng Magnolia matapos magtamo ng injury sa balikat sa ikalawang quarter at hindi na nakabalik pa.

Dahil lahat ay tumutulong, lomobo sa 27-puntos ang kalamangan ng Batang Pier, magdadala ng pangalang R2 Builders sa susunod na kumperensiya na pagmamay-ari din ng mga Romero, sa fourth quarter sa triple ni Vergara.

Harbour Centre 93 -- Fernandez 20, Juntilla 13, Barroca 13, Maierhofer 12, Serios 7, Vergara 7, Gaco 6, Stephens 5, Cawaling 3, Ramos 2, Barua 2, Cervantes 2, Asoro 1, Bautista 0.

Magnolia 73 -- Ababou 13, Magpayo 12, Losentes 10, Raneses 8, Alcaraz 7, Sorongon6, Balneg 4, Taylor 4, Pascual 4, Rodriguez 4, Escueta 0, Amparado 0, Saldua 0, Gile 0.

Quarterscores: 21-13; 40-27; 68-49; 93-73.

Show comments