SAAN PATUTUNGO, KATSIDIS

Sa kanyang unang pagdalaw sa bansang kinampihan niya sa World Cup Boxing, kinuha ni Michael “the Great” Katsidis ang kanyang unang malaking hakbang pabalik sa paggalang ng mundo ng boksing. Umaasa siyang muli siyang katatakutan sa larangang kanyang ginagalawan.

Nakuha ni Katsidis ang bakanteng World Boxing Organization Asia-Pacific lightweight title sa paghahabol sa mananayaw na si Angel Hugo “El Tren” Ramirez sa loob ng buong round sa Cebu Coliseum dito. Sa katapusan ng laban, mas marami pang marka si Ramirez sa kanyang likod (kakasandal niya sa lubid) kaysa sa kanyang harapan.

“This fight was crucial for Katsidis, if he wants to break back into the level of the elite boxers of the world,” paliwanag ni Australian boxing commentator at ring announcer Matthew Campbell. “He wanted to win this fight, and in a big way to prove that he is among the world’s best.”

Ang Greek-Australian, na laging nagsusuot ng Spartan centurion helmet bago pumasok sa ring, ay seryoso mula’t sapul. Kamalasan naman, dahil ang tinaguriang “El Tren” ay nananakbo, at pasulpot-sulpot lamang kung sumuntok. Sa ikalawang round, tumumba si Ramirez, at tatlong beses bumagsak sa ikatlo, bagamat mukhang lumuluhod siya tuwing tinatamaan.

“I have to apologize to the crowd,” sabi ng nanggigigil na Katsidis. “He’s a great boxer, but tonight he just kept moving.”

Sa ikawalong round, nainis si Katsidis, at tumigil sa kahahabol. Inutusan sila ni referee Bruce McTavish na magbakbakan, sa paghiyaw ng mga manonood.

Ito ang unang laban ni Ramirez sa Asya, at una sa labas ng Europe at Latin America. Mula sa Argentina, naninirahan na ngayon si Ramirez sa Cataluña sa Spain. Si Katsidis naman ay nagsanay sa resort town ng Pattaya, Thailand, na pareho ang oras at klima sa Pilipinas.

“I’m happy to have fought here, and I love the Philippines,” sabi ni Katsidis, na nagsuot ng Philippine team jacket sa World Cup of Boxing noong nakaraang taon. “I’ve captained your boxers, and have great respect for them, and the people here have just been great.”

Si Katsidis ang parang tren sa simula ng kanyang karera, 24 sunod na panalo - 20 sa knockout - hanggang binangga niya si Joel Casamayor. Bago ang labang iyon, nalusutan niya ang Pinoy na si Czar Amonsot sa Mandalay Bay noong Hulyo, 2007. Bagamat napatumba niya si Casamayor, si Katsidis ang na-TKO noong ika-sampung round. Matapos ang anim na buwan, natalo na naman siya sa isang split decision kay Juan Diaz.

“A win is a win,” dagdag ni Campbell. “Katsidis was very prepared for this fight; he was in great shape, but he didn’t get the knockout. There were some things he learned tonight.”

Nakatakdang labanan ni Katsidis si Julio Diaz sa California sa Abril, sa pag-asang muling masali ang pangalan niya sa mga usapang world title fight.

Show comments