Hangad ng mga Harbour Centre na makalapit sa kani-lang inaasam na ikaanim na sunod na titulo sa Philippine Basketball League (PBL), isang tagumpay na wala pang nakakagawa sa liga.
Muling haharapin ng mga Batang Pier ang Magnolia Purewater sa Game-2 ng kani-lang best-of-five championship series sa alas-2:30 ng hapon para sa titulo ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig ngayon.
Naihakbang na ng Harbour Centre ang kanilang unang paa palapit sa korona matapos ang 84-71 panalo sa opening game ng serye.
Base sa inilaro ng mga Batang Pier sa Game-1 kum-binsido si Harbour Centre coach Jorge Gallent na maa-bot nila ang kanilang pangarap.
“Despite our struggle in the first half, it was a good win. And I hope it will set the tone of the series,” ani Gallent na tinutukoy ang isang linggong pahinga bago sila sumabak sa serye na dahilan ng kanilang panganga-lawang.
Naunang nakarating sa finals ang Batang Pier kaysa sa Wizards dahil na-sweep nila ang kanilang best-of-five semis series kontra sa Hapee Complete Protectors habang umabot naman ang Magnolia sa limang laro bago madis-patsa ang Bacchus Energy Drink.
Ngunit hindi inaasahan ni Gallent na masu-sweep din nila ang finals series. “From the start, I’m confident of our chances but I can’t say if we can sweep Magnolia. Magnolia has talented players, so you can’t put them down easily.”
Aminado naman si Mag-nolia coach Koy Banal na wala sila sa porma noong Game-1.
“It was just one of the days that we’re not on our usual self, maybe we woke up on the different side of the bed,” ani Banal na nananatiling optimis-tikong mapipigilan nila ang kalaban. “I drew strength from my boys who kept telling me that we can still make it.”
Kailangan ng ibayong paglalaro mula kina Neil Raneses, Al Magpayo at JP Alcaraz matapos malimitahan ang tatlo sa 6-of-31 field goal shooting.
Mahusay na depensa ang ginawa nina forward Gerwin Gaco at Edwin Asoro kay Raneses na umiskor lamang ng dalawang puntos matapos mag-average ng 18.4 points sa semis.
“Everybody must step, we should not rely much on Raneses,” ani Banal na tangka ang ikatlong PBL title sapul nang magbalik ang San Miguel franchise sa liga noong 2003. (Mae Balbuena)