Umarangkada sa ika-apat na quarter ang six peat seaking Harbour Centre upang iposte ang 84-71 panalo laban sa Magnolia sa pagbubukas ng kanilang titular series sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa The Arena sa San Juan.
Naging susi sa tagumpay ng mga Batang Pier sina veteran Edwin Asoro at rookie JR Cawaling matapos umiskor ng tatlong triples sa fourth quarter ang naging daan sa kanilang pagsulong sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five series.
Nagpakawala ang mga Batang Pier ng 13-5 produksiyon kung saan umiskor si Cawaling ng dalawang triple na nag-layo sa Harbour Centre sa 74-63 kalamangan papa-sok sa huling tatlong minuto ng labanan.
Malaki rin ang kontribusyon ni Asoro sa natu-rang run kung saan nag-ambag ito ng isang tres at malaking tulong ang kanyang depensa laban kay Al Magpayo.
“We picked up our defense in the second half because we started flat. That’s because we were a little bit rusty,” sabi ni coach Jorge Gallent. “But it was a good win. I hope this will set the tone of the series.”
Naging epektibo ang depensa ng mga Batang Pier kung saan nalimitahan nila ang pambato ng Wizards na si Neil Raneses sa dalawang puntos matapos mag-average ng 18.4 puntos bago magsimula ang serye.
“As I said before, defense will decide the outcome of this series. But we have to work harder because I know Magnolia will make major adjustments,” sabi ni Gallent.
Nalimitahan sa 6-of-31 shooting ang kumbinasyon nina Raneses, Magpayo at star guard JP Alcaraz na siyang dahilan ng pagkatalo ng Wizards.
Sina Reed Juntilla, Rico Maierhofer at rookie Mark Barroca ang nangu-na sa Batang Pier sa kanilang 16, 15 at 14-puntos ayon sa pagkakasunod.