Magnolia vs Harbour Centre sa PBL Finals

Naghigpit ng depensa ang Magnolia Purewater sa ikaapat na quarter upang hatakin ang come-from-behind 88-83 panalo laban sa Bacchus Energy Drink upang makopo ang ikalawa at huling finals berth sa PBL PG Flex Linoleum Cup sa pagtatapos ng semifinal round sa Ynares Sports Arena sa Pasig kahapon.

Sa pagtutulungan nina Dylan Ababou, Al Magpayo at Neil Raneses na limitahan ng Wizards sa apat na puntos ang Energy Warriors sa huling anim na minuto ng labanan upang tuluyang iselyo ang best-of-five semifinal series sa 3-2.

Bunga nito, makakasagupa ng Magnolia ang six-peat seaking Harbour Centre sa isa na namang umaatikabong best-of-five titular showdown na magsisimula sa The Arena sa San Juan sa Martes.

Tanging si Parri Llagas lamang ang nakaiskor sa Bacchus mula sa kanyang dalawang freethrows at isang putback at nagpakawala naman ang Magnolia ng 12-0 run tampok ang tres ni Magpayo na siyang nagpalayo sa Wizards.

“I would like to give credit to Bacchus because they proved that they were not a push-over team,” ani Magnolia head coach Koy Banal. “They pushed us to the limit and that was good and if given a chance, I would like to do this again because it would only toughen us.”

Muling pinangunahan ng 6-foot-4 na si Raneses ang Magnolia sa kanyang 24 points mula sa kanyang 10-of-15 shooting.

Matapos ang jumper ni Rudy Lingganay na naglagay sa Bacchus sa 79-73 kalamangan papasok sa huling 6:38 minuto ng labanan, ito na ang huling pagkakataon nilang nahawakan ang kalamangan nang di sila naka-iskor ng anim na minuto,

Umiskor si Llagas ng dalawang freethrows mula sa foul ni Ababou upang makalapit sa 81-85.

Nagkaroon ng tsansa ang Bacchus nang magkamit ng turnover si Ababou ngunit pumalso ang tres ni Paul Lee bago naiselyo ni Ababou ang panalo sa kanyang tres nang ma-intercept nito ang crosscourt pass ni James Martinez, 40 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.

Show comments