Beltran, PBAPC prexy uli

Muling nahalal na pangulo ng PBA Press Corps (PBAPC) si Nelson Beltran ng The Philippine Star.

Sa tagumpay na naganap sa press corps sa nakaraang dalawang taon, nakuha ni Beltran ang ikalimang termino, kung saan dating nagsilbi bilang PBAPC president noong 1997 at 1998.

Nahalal din sina Tito Talao ng Tempo, Zean Macamay ng Journal, Armand Carandang ng Daily Tribune, Mae Balbuena ng Pilipino Star Ngayon at Waylon Galvez ng Manila Bulletin.

Si Talao, na nanungkulan ng tatlong termino bilang pangulo ay nahalal na internal vice-president, si Macamay ang external vice-president, Carandang bilang secretary, Balbuena bilang treasurer at Galvez bilang auditor.

Show comments