^

PSN Palaro

Finals asinta ng Batang Pier

-

Sa ikaanim na sunod na pagkakataon, tatangkain ng five time champions Harbour Centre na makapasok sa championship series.

Tangan ang 2-0 lamang, susubukan ng Batang Pier na tuluyan nang walisin ang karibal na Hapee Complete Protectors sa Game 3 ng kanilang best-of-five semifinals series para sa 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa The Arena sa San Juan.

Magtatagpo ang Harbour Centre at ang Hapee ngayong alas-2 ng hapon bago ang salpukan ng Magnolia Purewater at Bacchus Energy Drink sa alas4.

Tinalo ng Batang Pier ang Complete Protectors sa Game 1 (85-62) at Game 2 (72-66) upang itayo ang matayog na 2-0 abante sa kanilang semi-finals showdown.

Sa kabila ng nasabing bentahe sa kanilang serye, hindi pa rin nagkukumpiyansa si head coach Jorge Gallent.

Tinalo ng Harbour Centre ang Hapee sa kanilang dalawang sunod na championship series sa nakaraang dalawang torneo.

Sa ikalawang laro, pagaagawan naman ng Wizards at Energy Warriors ang mahalagang 2-1 lamang sa kanilang semis wars.

Itinabla ng Bacchus ni Lawrence Chongson ang kanilang serye sa 1-1 makaraang ilista ang 87-83 tagumpay sa Game 2.

Bago ito, inangkin muna ng Magnolia ni Koy Banal ang Game 1 via 80-66 victory. (Russell Cadayona)

vuukle comment

BATANG PIER

COMPLETE PROTECTORS

ENERGY WARRIORS

FLEX LINOLEUM CUP

HAPEE

HAPEE COMPLETE PROTECTORS

HARBOUR CENTRE

JORGE GALLENT

KOY BANAL

LAWRENCE CHONGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with