^

PSN Palaro

Pasok ang Tropang Texters

-

Kinailangang dumaan sa overtime ang Talk N Text upang tuluyan nang tapusin ang kanilang semis series laban sa San Miguel at makapasok sa finals ng KFC-PBA Philippine Cup.

Umiskor si Macmac Cardona ng tres papasok sa huling 1:41 minuto ng overtime para iselyo ang kanyang 34-point performance at pinangalagaan ng Tropang Texters ang kalamangang ito tungo sa 116-115 panalo sa Game-6 ng kanilang semifinal series sa Cuneta Astrodome kagabi.

Unti-unting natunaw ang 17-puntos na kalamangan ng Tropang Texters, 77-60 sa 7:10 ng ikatlong quarter nang maghabol ang Beermen na nakatikim ng kalamangan sa unang pagkakataon sa 105-103 mula sa tres ni Danny Seigle papasok sa huling dalawang minuto ng regulation.

Ang tres ni Jay Washington ang nagdala ng laro sa overtime bunga ng 111-pagtatabla ng iskor sa huling 24 segundo ng fourth quarter.

Tinapos ng Phone Pals na nakakuha rin ng 27-puntos kay Jimmy Alapag, ang best-of-seven semis series sa 4-2 panalo-talo.

Makakalaban ng Talk N Text sa best-of-seven series ang mananalo sa pagitan ng Alaska at defending champion Sta. Lucia na kasalukuyan pang naglalaban sa Game-6 ng kanilang sariling semis series kung saan lamang ang Aces, 3-2.

Ang pagpasok ng Tropang Texters sa finals ay katuparan ng pangako ni coach Chot Reyes kay team owner Manny V. Pangilinan nang tanggapin niya ang trabaho, eksaktong isang taon na ang nakakaraan. (Mae B.)

CHOT REYES

CUNETA ASTRODOME

DANNY SEIGLE

JAY WASHINGTON

JIMMY ALAPAG

MACMAC CARDONA

MAE B

MANNY V

PHILIPPINE CUP

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with