^

PSN Palaro

Pacquiao bumigay din

- Ni Russell Cadayona -

Sa inaasahan niyang ‘pagkalugi’ sa tatanggaping fight purse, tinanggap na kahapon ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang laban para sa kanilang world light welterweight championship ni Ricky Hatton.

Sa panayam ng DZBB, ibinunyag ng 30-anyos na si Pacquiao nakipag-usap na siya kay Bob Arum ng Top Rank Promotions kasabay ng pagpayag sa fight contract na hindi niya isiniwalat. 

“Tuloy na ang laban. Nag-usap na kami ni Bob Arum,” sambit ni Pacquiao, ang tanging Asian boxer na naghari sa apat na magkakaibang weight division bukod pa ang pag-iskor ng isang eight-round TKO kay Oscar Dela Hoya sa kanilang non-title welterweight fight noong Disyembre 6.

 Kamakalawa ay ibinasura na ng kampo ni Hatton at ng Golden Boy Promotions ang nasabing megafight kay Pacquiao matapos ipilit ng tubong General Santos City ang 60-40 percentage split. 

“Saka na lang natin sabihin,” ani Pacquiao hinggil sa panibagong panukala ni Arum na sinasabing naglatag ng 58-42 revenue split sa Pay-Per-View at ang guaranteed $12 milyon na sinasabi ni American trainer Freddie Roach na mas mahalaga kesa sa percentage split. 

Inaasahan naman ang pagdating sa bansa ni Arum sa Lunes para pormal na makausap si “Pacman”. 

 “Manny has assured me he’s signed the contract, that he’s announcing to the Philippines press that he’s signed it, and that everything’s done,” sabi ni Arum sa panayam ng Los Angeles Times.

 Kinumpirma naman ni Jake Joson, ang tumatayong chief of staff ni Pacquiao, na nabago na ang dating 50-50 percentage split para sa laban kay Hatton, ang kasalukuyang International Boxing Organization (IBO) light welterweight champion.

“Nagbago po lahat ng figures kaya nagkaron ng magandang resulta,” wika ni Joson.

 Bunga ng kanyang katayuan bilang ‘best pound-for-pound boxer’ kasama pa ang paggiba sa world six-division titlist na si Dela Hoya, iginiit ni Pacquiao ang 60-40 purse split na taliwas naman sa napagkasunduang 50-50 nina Arum at Golden Boy Chief Executive Officer (CEO) Richard Schaefer.

Nakatakda ang Pacquiao-Hatton world light welterweight championship sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment

BOB ARUM

DELA HOYA

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GOLDEN BOY CHIEF EXECUTIVE OFFICER

GOLDEN BOY PROMOTIONS

GRAND GARDEN

HATTON

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with