BACOLOD City-- Patuloy ang ang pag-iskor ng National team mainstays ng tagumpay at umusad sa semifinals habang nadiskuwalipika naman ang Zamboanga City pug dahil sa isyu sa edad sa 2009 Smart Amateur Boxing Championships sa NOMPAC dito.
Ginapi nina light flyweight Albert Pabila ng Navy, flyweight Rey Saludar ng Army, bantamweight Godfrey Castro ng Army at featherweight Joan Tipon ang kani-kanilang kalaban para makasiguro sa bronze at tsansang makausad sa gold medal round.
Tinalo ni Pabila si Raul Posta Jr. ng Iligan City; dinurog ni Saludar si Marvin Fernandez, nanaig si Castro kay Robin Lobrido at ginapi ni Tipon si Glecerio Catolico III ng University of Baguio para tumapak sa susunod na round ng event na ito na ginagamit ng ABAP na pangdiskubre ng bagong talento.
Ngunit tila hindi natatapos ang torneo ng walang kontrobersiya nang idiskuwalipika ng organizers si Conrado Tañamor ng Zamboanga City at batang kapatid ni 2008 World Cup gold medalist Harry, dahil sa overage ngayong taon.
Umapela ang Zamboanga City officials sa desisyon at sinabing noong Nobyembre lamang nila natanggap ang sulat mula sa ABAP na nagsasabing ang pinapayagang partisipante ay ipinanganak noong 1990 pataas.
Ngunit sinabi ni Tournament director Roger Fortaleza, na nagpadala sila ng ikalawang sulat na ang cutoff ay 1991 kung saan hindi na pasok si Tanamor na ipinanganak noong 1990.
Gayunpaman, walang pandaraya na nangyari kundi isang simpleng miscommunication lamang.
“There was no cheating, it was just about forfeiture based on a technicality. It was a simple case of miscommunication,” ani Fortaleza.
Pinigil naman ni RP team member Annalisa Cruz ng Army si Lea Ramon sa 27 seconds ng second round para palakasin ang kanyang kampanya.
TInalo naman ni Fennet Degala ng Iloilo si Florence Pardillo ng Himamaylan City, nanaig si Karina Jane Recaido ng Bacolod A kay Jenne Mae Basco ng Bacolod B para sa kanilang kampanya sa junior pinweight class.