Tsansa ng Las Piñas sa semis lumakas

Pinalakas ng Las Piñas ang kanilang pag-asa sa isa sa dalawang outright semis nang malusutan nito ang University of the Philippines-Los Baños, 93-40 sa 1st Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) sa NCBA gym sa Fairview.

Tumira ng 15 puntos si Robert Escatron habang nagdagdag naman ng 10 si Kline Rosal para palakasin ang rekord ng Blue Lions sa 4-2.

Makakaharap ng Blue Lions ang Colegio de Sta. Monica sa alas-9:30 ng umaga ngayon sa San Andres gym sa Manila.

Ang Philippine College of Criminology, na naghahangad ng 7-0 slate kontra sa National College of Business and Arts sa alas-8 ng umaga at walang larong host na St. Francis of Assisi (7-2) ang dalawa pang koponang naghahangad ng dalawang awtomatikong final four berth.

Nanaig ang NCBA noong Sabado, 83-81 sa St. Jude College at iangat ang baraha sa 3-3 upang palakasin ang tsansa sa quarterfinals.

Alinman sa UPLB at St. Jude ang makakapasok sa win column ngayon sa kanilang pagtitipan sa ganap na alas-11 ng umaga sa torneong hatid ng Mang Inasal, Air21, Besuto prawn crackers, Villa De Oro Boracay, Magarbo, Magnolia, Basketbolista Magazine at www.gameface.ph.

Show comments