BACOLOD City — Umagaw ng eksena ang mga batang kapatid ng mga RP mainstays habang nagparamdam ng kanilang presensiya ang Mandaue City at Cebu City noong Linggo ng gabi sa 2009 Smart National Amateur Boxing Championships sa NOMPAC dito.
Nagpamalas ng impresi-bong panalo si lightflyweight Conrado Tañamor, ang 18 anyos na kapatid ni reigning World Cup gold medalist Harry, nang igupo nito si Jimboy Mayang ng Bacolod-B at makausad sa quarterfinals.
Ang pinakabata sa mag-kakapatid naman ng Tacuyan na si Fernando ng Himamayhan ay pinabagsak si Arnolf Toribia ng Bacolod-B sa loob lamang ng 42 segundo sa first round at umabante din sa quarterfinals ng school boys junior mosquito weight class.
Umagaw din ng eksena sina Gerald Suico at Lorenz Jay Romanete dalawa sa limang pinadala ni ALA Boxing guru Tony Aldeguer at Andrino Pescante at Allan Refuela ng M. Lhuillier Development Foundation.
Iginupo ni Suico si Ken Capangpargan ng Iligan City sa pinweight division (junior boys), ginapi ni Romanete si Neil Cordero ng Silay City at tinalo ni Pescante si Ronel Fuentes ng Calinoh sa pin weight para sa 17-18 year-old boys, habang pinayuko ni Refuela si Jagon Juson ng Bacolod-C sa bantamweight.
Ngunit higit na nangningning ang 13 anyos na si Tacuyan sa isang linggong event na gamit bilang paghahanap sa mga may talentong boksingero ng Amateur Boxing Association of the Philippines na pinamumunuan ni Smart at PLDT chairman Manny V. Pangilinan.
Si Tacuyan, dating 200m runner na noong nakaraan taon lamang nagaral ng boxing upang sundan ang yapak ng mga kapatid na sina Orlando at Rolando ang nagningning sa mata ng mga manonood bunga ng kanyang lakas sa pagsuntok na may kakaibang istilo.
Isa naman sa malakas na makakalaban ng batang si Tañamor ay si Gerson Nietes ng Bacolod-A na binugbog si Mario Fernandez para sa RSCO panalo.
Nanaig din sina Jefferson Rodriguez at Emmanuel Lumantad (pinweight) at Wilbert Loberanis (flyweight) para makausad sa susunod na round.
Nanaig si Rodriguez kay Arjay Encarnado ng GenSan, namayani si Lumantad kay Anthony Garcino ng Iloilo at nanalo si Loberanis kay Danny Lozanes ng Silay City.
Ang iba pang nagwagi sa weight class ni Tañamor ay sina Neil Brayn Unay ng Northern Samar laban kay Dulay Binwag ng Ifugao-A, Arman Altar ng Cadiz City kay Darwin Laguna ng Silay City, Julius Eugenio ng Dumaguete kay Romy Canseler ng Himamaylan, Arcel Ramagasa ng Sarangani kay Frank Isidro ng Tagbilaran, Angelo Marcial ng Zamboanga kay Kryss Tindugar ng Ifugao-B at Bonifacio Fernando ng Puerto Princesa kay Robin Fernando ng Bago City.