Singaporean at Kuwaiti shooters sali sa Tolentino Youth shootfest

Sasabak sa aksyon ang mga kabataang shooter mula sa Singapore at Kuwait sa 1st Mayor Bambol Tolentino Invita-tional Youth shooting cham-pions sa May 30-31 sa bagong gawang Tagaytay City range.

Ang nasabing dalawang araw na shootfest ay iho-host ni Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino na ilulunsad ng Philippine National Shooting Association sa pamamagitan ng National Youth Development Program (NYDP) na pinangangasiwaan naman ng reigning pistol champion na si Nathaniel ‘Tac’ Padilla.

Magsisilbi rin ang nasabing event na bahagi ng preparasyon ng national team sa kanilang paglahok sa 1st Asian Youth Games na nakatakda sa Singapore sa Hulyo ngayong taon.

Samantala, idaraos ng NYDP ang kanilang unang taong anibersaryo sa Enero 24-25 sa pagsasagawa ng tournament para sa mga local youth shooters sa Marines range sa Taguig City.

Kabilang sa mga kalahok ang Tagaytay, Taguig, Quezon City, Malabon, Makati, Ateneo at Marine Corps.

Show comments